Nora Aunor talks about her fear of having to have to have throat surgery: “Narinig ko ang mga salitang bumubulong sa aking tainga. Sabi nila…”

Nora Aunor, natatakot nang magpa-opera ng kanyang lalamunan

ẢNH: @noraaunor.fan trên Instagram


Nakakaramdam daw ng inggit si Superstar Nora Aunor kapag nakakarinig s’ya ng mga kanta ng mga local singers dahil sa career na pagkanta raw s’ya nagsimula matapos siyang manalo sa Tawag ng Tanghalan noong 1976.

Ito ang inamin ng veteran actress sa virtual interview sa kanya nina Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo 5 show na Good Morning Lodi na in-upload last March 23 sa YouTube.

Natanong ni Ted ang Superstar tungkol sa naging plano nito noon na pagbalik sa Amerika para magpa-opera ng lalamunan at maibalik sa dati ang kanyang boses.

Naku… ito nga po dahil ang sabi ko noon, magpapa-opera ako para maibalik ‘yong boses [ko],” sagot ni Nora. “Kaya lang po nu’ng na-kontrata na din po ako d’yan sa TV5 ng tatlong taon, hindi na po ako nakapagpa-opera. Dapat ho nakapagpa-opera ako sa Boston. Kasi ho ’yon ang pinuntahan naming una para magpa-check up kung kailangan ng operasyon.

K’wento pa ni Ate Guy [nickname ng mga taga-showbiz sa Superstar], napurnada na daw ‘yon dahil sa dami ng naging showbiz commitments n’ya dito sa Pilipinas.

Kaya lang hindi na po naayos hanggang sa hindi na po ako masyadong nakabalik dahil kapag umaalis po ako ng bansa para pumunta ng States, ako po ay bumabalik kaagad dahil sasabihin sa akin, ‘Kailangang bumalik ka rito, pumunta ka rito dahil may proyekto kang gagawin,’” pagre-recall n’ya.

Sa ngayon ay takot na daw ang multi-awarded actress na magpa-opera pa dahil sa kanyang edad.

Ngayon po, medyo nakakatakot na rin siguro magpa-opera dahil sa edad ko na rin na ‘to,” pag-amin ni Nora.

(The Superstar is turning 68 in May.)

Isa pa, kapag natuloy daw ang kayang pagpapa-opera ay kailangang turukan s’ya ng anaesthesia na itinuturo n’yang dahilan kung bakit daw nasira ang boses n’ya in the first place.

Baka sa anaesthesia… Sa anaesthesia po nasira ang boses ko, e, nu’ng nagpunta ako ng Japan,” pagbabaliktanaw pa n’ya. “Sinabing ako’y mag-e-endorso ng isang skincare pero hindi naman ganu’n ang nangyari. So, doon po nasira ang boses ko sa Japan. Wala, sinama lang ako du’n sa clinic nila tapos pinahiga ako, sinaksakan ng anaesthesia. Tatlong araw po hindi ako nagising. ‘Yon ang totoo po nu’n. Pag gising ko wala na po akong boses. Hindi ako makasigaw. Talagang, as in, wala po akong marinig.

(Ayon sa mga reports noong 2010, sumailalim sa isang pumalpak na cosmetic surgery ang superstar noon sa Japan at nadamay ang kanyang vocal cords.)

Pero kahit papaano daw ay thankful si Nora na naibalik ang boses n’ya pero ikinalulungkot daw n’ya na hindi na n’ya kayang kumanta pa.

Mabuti nga po kahit papaano naibalik ’yong boses ko pero hindi naman po ako nakakakanta ngayon,” pahayag n’ya. “At saka madali po akong mapagod. Pag nagsalita lang po ako nagbabago na ang boses ko. Kaya lungkot na lungkot po ako.

Pag-amin pa n’ya, naiinggit daw s’ya paminsan-minsan sa ilang local singers dahil ang pagkanta daw ang nagbukas ng pinto n’ya sa showbiz. Ilang hit albums at singles din kasi ang nagawa n’ya noong kaya pa n’yang kumanta.

Minsan kapag nakakarinig ako ng magagaling nating mang-aawit, s’yempre po nakakainggit kasi dati d’yan ako, e. At d’yan po ako nagsimula bago ako naging artista,” pagtatapos ni Nora.

Related Posts

Our Privacy policy

https://hotnewsnowus.com - © 2025 News