Kahit medyo hirap pa magsalita si Nora Aunor, pinilit pa rin niyang magbigay ng mensahe para magpasalamat sa lahat na dumalo sa kanyang 70th birthday celebration na ginanap sa Vertis North Seda Hotel nitong nakaraang Sabado, Mayo 20.
Mahaba ang kanyang pahayag at doon niya inilabas ang saloobin niya tungkol kay John Rendez na nandoon din, pero bandang huli ay hindi na namin nakita.
Pakiusap ni Ate Guy, “Yung nangyari nung araw, kalimutan na natin. Magmahalan tayong lahat. Yun lang ang hinihingi ko. Magkakaunawaan, walang siraan.
“May marinig sa ibang tao, magtanong tayo agad. Huwag tayo makikinig hangga’t hindi natin nakakausap yung sinisiraan nilang tao.”
Nagkatawanan nang nagkamali si Nora na sabihin niyang si Ian ang pinakamatanda sa kanyang mga anak.
“Ian, ikaw ang pinakamatanda sa kanilang lahat… ay! Si Lotlot pala!
“Yung nandito lang ngayon,” natatawa niyang pahayag na sinalo lang ni Matet na si Ian ang pinakamatandang anak ni Nora na naiwan doon sa party. Nakaalis na kasi si Lotlot nung nagsalita na si Ate Guy sa programa.
“Ano ba naman yun! Nagkakamali pa ako. Ang wish ko lang talaga, magkakabati tayo.
“Alam naman natin yung totoo, di ba?” sabi pa ng Superstar.
Dito na siya nagsimula sa pagbigay ng pahayag tungkol kay John Rendez.
“Si John, alam niyo kung ano yung nangyari sa kanya. Huwag na natin palalakihin kung ano ang mga sinasabi ng ibang tao.
“Ang isipin natin, ang nanay niyo, hindi iniwanan ng tao nang ilang taon. Nawala kayong lahat, nagkaroon ng pamilya, ang nariyan, si John. Kaya hindi puwedeng hindi ko ipagtanggol yung tao, e. At gusto kong malaman niyo yun.
“Mahalin natin. Mahalin natin yung tao. Kagaya niyan. Nandito siya kanina. Pero hindi siya nagpakita nang husto, dahil alam niyang nandito yung pamilya ko. Ayaw niyang may masabi na naman ang tao sa kanya.
“Kaya hindi siya nagpakita nang matagal, umalis siya. Pero alam ko, nasa puso niya, gusto niya kayong makausap, kahit isa man lang sa inyo.
“Si Matet lang ang nakausap niya… Sino ang hindi kumausap sa kanya? Papaluin ko. Joke lang yun!” napapangiti niyang pahayag.
“Gusto ko lang magmahalan tayo. Kung ano yung relasyon ni John… wala naman kaming relasyon, di ba? Yun lang ang… nagkaroon lang ng… gusto ko lang malaman ng lahat na ipinagtatanggol ko yung tao, hindi sa kung ano pa man diyan.
“Sana makita ko na magmahalan kayo. Kasi ako naman, matanda na ako, e.
“Magpasalamat tayo sa kanya na mula noon hanggang ngayon, nandiyan pa rin siya.
“So, yun lang. Gusto ko lang malaman ng tao na intindihin natin siya, unawain natin siya.
“Bigyan natin siya ng pagkakataon na maipakita naman niya yung talento na ibinigay ng Diyos sa kanya.
“Hindi niya maipakita, e. Kasi, mag-recording, lumabas, may nasasabi ang tao, e.
“So, bigyan naman natin ng pagkakataon… ilang taon na ba siya? 43 years old, nandun na siya sa bahay, e. Alam niyo yan. Ilang taon na siya ngayon? 53 years old!
“Ganun katagal na hindi ako iniwan ni John. Wala kaming relasyon, kasi sasabihin ng mga tao na may relasyon, parang sinabi ko na siya ba yung pumapatol sa bata, di ba? Meron naman akong kunsensya.
“Pasensya na kayo, at ako’y hindi ako makapagsalita kasi hinihingal ako. Pero alam niyo kung ano ang nasa puso ko, kung ano yung nasa isipan ko. At yun ang sinasabi ko, walang pagkukunwari.
“At gusto kong muli maramdaman niyo sa akin, ang mga sinasabi ko ngayon, yun ang totoo. Mahal ko yung pamilya ko, mahal ko yung apo, mga anak ng anak ko.
“Mahal ko ang mga fans, mga press na nagmahal sa akin, mga kaibigan, maraming salamat po,” madamdaming pahayag ni Ate Guy.
Pagkatapos niyang magsalita ay mahigpit siyang niyakap nina Ian at Matet de Leon.
Nakita kong nagbatian sina John Rendez at Ian de Leon sa birthday celebration ni Nora Aunor.
Hindi umepal sa programa si John. Hindi siya tinawag ng dalawang host para bumati kay Ate Guy sa programa.
Hindi ko nga nakita na nagtabi sina John at Nora para makunan ko sana ng litrato. Kaya solo picture lang ni John ang nakunan ko.
Napag-alaman ko sa super-publicist na si Rodel Ocampo Fernando na magkakasama sina John, Nora, Ian, Matet de Leon at Kenneth de Leon sa pelikulang Tomacruz… Sa Puso Ng Isang Anak na nagsyuting noong Enero.
Si Nora mismo ang executive director ng pelikulang iyon, na idinirek ni Eric Tilos Joven, at nagtatampok din kina Snooky Serna, Bembol Roco, Irma Adlawan, Beverly Salviejo, at Dexter Doria.
Nagpaalam ako kay Rodel na iinterbyuhin ko si John tungkol sa movie. “Walang personal questions, ha?” bilin ni Rodel.
Pero nakaalis na yata si John nang mga sandaling iyon. Hindi ko na siya nakita.
Sana, simula na ito ng pagpo-produce ulit ni Ate Guy para piling-piling proyekto ang gagawin niya.
Sana, hindi lang siya mag-produce at umarte pero magdirek na rin!!!
Ibang level na talaga kapag National Artist na!!!
News
Nora Aunor Reveals Plan for a Trilogy Film About Her Life: Untold Stories to Be Unveiled
Nora Aunor on her health: “Hindi na ako naoospital! Hindi na ako labas-masok sa ospital!” natatawang tugon ng Superstar ng…
Nora Aunor recalls botched operation that took away her voice
Nora Aunor still feels regret after losing her singing voice following cosmetic surgery in Japan 14 years ago. The Superstar claims…
Nora Aunor and Sandy Andolong: The Shocking Drama of a Legend and Obsessive Fans
As one of the biggest legends in the Philippine entertainment industry, Nora Aunor has gone through many ups and downs…
How Much It Costs to Stay at Kathryn Bernardo and Piolo Pascual’s Boutique Resort in El Nido?
How Much It Costs to Stay at Kathryn Bernardo and Piolo Pascual’s Boutique Resort in El Nido Here’s everything you…
Kathryn and Alden Keep Their Relationship Private, But Friends Reveal Shocking Details: Is Their Relationship Approved by Both Families?!?!
In a recent update about the relationship between Kathryn Bernardo and Alden Richards, Kathryn’s friends shared some intriguing insights that…
Nora Aunor’s American Dream: A Glorious Success or a Nightmare? (AL)
Nora Aunor, an indispensable icon in the Philippine entertainment industry. She, along with her co-stars, shared insights about her career…
End of content
No more pages to load