Janine, namana ang pagka-mapamahiin ng lola’ng si Nora Aunor at nanay na si Lotlot
Iikot sa konsepto ng suwerte at malas ang kwento ng Dragon Lady, ang pinakabagong drama-fantasy na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez na nag-TV premiere kaninang hapon sa GMA-7.
Ang mga paniniwala sa mga goodluck at badluck ay parte ng buhay-Pinoy at isang bahagi ng kultura natin na tila nakuha naman natin sa mga Chinese.
At aminado si Janine, na isang millennial, na noong bata-bata pa siya ay naimpluwensiyahan siya ng kanyang Lola Guy [Nora Aunor] at nanay na si Lotlot de Leon na maging mapaniwalain din sa mga pamahiin.
“Nong bata ako, opo, kasi si Mama Guy [Nora Aunor] very mapamahin ’yon,” kwento ni Janine. “Si mama [Lotlot de Leon], parang namana din ’yon. So ako parang kinalakihan ko din na parang may mga bilin si mama na, bawal ’yong kama mo nakatapat sa pintuan…mga gano’ng bagay…”
Pero ngayon ay hindi na raw siya gano’n.
“Ngayon, tina-try ko na dasal talaga at tiwala saka power of the mind for me para hindi ka na masyadong malito sa mga kailangan mong sundin.”