SHOCK: Phillip Salvador revealed that he was once afraid of “little girl” Nora Aunor because of this..

Phillip Salvador, takot sa “maliit na babaeng” si Nora Aunor

Phillip Salvador will reunite with his Bona (1980) co-star Nora Aunor in Isa Pang Bahaghari, an MMFF 2019 hopeful from the same production, writer and director of Rainbow Sunset. Besides Bona, nagsama rin ang dalawa sa dalawa pang klasikom ang Tinik sa Dibdib at Nakaw na Pag-ibig.



Aminado ang dating action star at dramatic lead na si Phillip Salvador na dinadaga siya sa pagbabalik-pelikula.

No’ng una, urong-sulong siya na gawin ang comeback/reunion movie nila ng Superstar na si Nora Aunor, ang Isa Pang Bahaghari, na pamamahalaan ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

As we all know, second choice si Ipe para sa role ni Dom, ang seaman na asawa ng dating labandera na naging magtutuyo at magdadaing na si Lumen (Ate Guy).

Una itong inalok pero tinanggihan ng ex-husband ng aktres na si Christopher de Leon.

“To tell you frankly, ayoko na sana. I even told Malou (Choa-Fagar, talent manager niya), ayoko na. 

“Tinawagan ako ni (Direk) Joel, ‘Sige na naman, magsama kayo ni Guy uli.’

“‘Direk, ‘di na ‘ko marunong umarte.’ sabi kong gano’n. ‘Hindi, hindi ako papayag! Kuya Ipe naman, ‘wag mong pasamain ang loob ko.’ 

“’Yon na! Wala na,” bungad na kwento ng aktor sa katatapos na storycon at look test para sa possible 2019 Metro Manila Filmfest ng Heaven’s Best Entertainment sa Salu Restaurant no’ng Linggo.

Ngayong magsisimula na silang mag-shooting sa August 1, excited na rin si Ipe na muling makatrabaho ang aktres na naging kapareha niya sa mga klasikong pelikula tulad ng Bona, Tinik sa Dibdib at Nakaw na Pag-ibig.

Tapos makakasama ko uli ’yong kalbong ’yon (sabay turo sa picture ni Michael de Mesa, na nasa cast din bilang si Rey, matalik na kaibigan nilang mag-asawa). E, ako, nakakalbo pa lang.

“I mean, I’ll be working with the finest actors. And I’m scared!” pag-amin ni Ipe.

“So, ayon, kinakabahan ako. Binasa ko ’yong script, maganda, maganda. Naiiba.

Actually, um-oo ako. Nakita ko ’yong script, tapos umayaw ako. Tapos, ayun nga, ’yong maliit na babaing ’yon…,” sabay nguso sa kinaroroonan ni Ate Guy.

Ngayong napapayag siyang gawin ang Isa Pang Bahaghari, masasabi ba niyang tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik-showbiz?

Sagot ni Ipe, “I’m not really sure, I’m not really sure. I just… I want to do this, I love Direk, I love Guy and, ah, reunion!

“Nami-miss ko [mag-showbiz], pero alam mo naman ’yong mga ginagawa kong films. Hindi na tayo nakakagawa ng gano’n ngayon. ’Yong frustrations naming dalawa ni Robin Padilla, ah, hopefully, hopefully, makagawa uli kami ng gano’n. Hopefully, like dalawa na ang film festival natin ngayon, isang summer, isang December.

“But ang maganda, maayos talaga, ’yong mas maraming maipalabas na pelikulang Pilipino kesa foreign films. Like ibaba ang taxes ng Filipino films, itaas ang foreign films.

Tapos, sana, ayoko na makakita no’ng first day, last day. Kung mahina talaga, patapusin ng kahit at least one week, you know? Kasi, ’di ba, two weeks ‘yan, e. Two weeks nabibigyan ng chance. And, naka-support naman si Senator Bong Go and he will do something about it.”

So, pabor din ba siya sa isinusulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na gawing Friday ang opening day?

“Kahit ano, basta mabigyan ng compensation ang ating mga producer at sana mas maraming maipalabas na Filipino films… walang first day last day.

“It would mean more jobs for actors, it would mean a lot for the movie industry, ’yon lang ang sa akin and, ah, basta ’yon lang ang hinahanap ko. Mapikit man ang mga mata ko, gusto ko sana ganu’n na ang takbo ng industriya ulit. Dati sobrang dami ng Filipino films, nilamon ng foreign films ang Filipino films,” pagtatapos ng aktor.