Nora Aunor at anak na si Lotlot de Leon, magsasama sa isang indie film
Matapos silang magkatrabaho sa isang drama anthology sa Kapuso Network nitong Hunyo kasama si Janine Gutierrez, nakatakda namang magsama sa isang independent film ang mag-inang Nora Aunor at Lotlot de Leon.
Bibida ang Superstar at ang kaniyang anak sa “Kabisera,” isang pelikulang hango sa tunay na buhay ng isang Batangueño.
Ayon kay Lotlot sa panayam ng ‘Unang Hirit’ nitong Miyerkules, mas naging komportable na raw sila ng kaniyang ina sa isa’t isa bilang magkatrabaho sa tulong na rin ng ilang showbiz projects na kanilang pinagsamahan.
“Siyempre meron pa ring kaba, pero mas komportable na kami ngayon,” aniya.
Masaya rin siyang lumaki bilang anak ng Superstar dahil marami siyang natutuhan dito bilang isang artista.
Paliwanag niya, “Mahal niya ang trabaho niya, kaya noong simula nang magseryoso ako sa pagiging artista, ‘yun lang ang nasa isip ko. Kais sabi ni Mommy, kailanga mahalin mo ang trabaho mo. Kailangan ‘yung pinasok mo, panindigan mo. Kung may gagawin ka, gawin mo nang tama.”
Proud na ina naman raw si Nora dahil bukod sa pagiging magaling na artista ay lumaki ring mabuting tao ang kaniyang anak.
Bukod sa pagbibidahang independent film, abala rin ngayon ang batikang aktres sa iba pang projects niya na dapat abangan sa Kapuso Network.
“May mga gagawin ako sa TV sa GMA-7. Parang ibabalik ‘yung ‘Makulay Na Daigdig ni Nora,’” kwento ng Superstar.
News
SHOCKING NEWS: Alden Richards stops courting Kathryn Bernardo
Alden Richards surprises Kathryn Bernardo at Kathryn’s post-birthday celebration Screengrab from Earl Semitara’s Instagram Story MANILA, Philippines — Veteran showbiz…
CONFIRMED: Alden Richards and Kathryn Bernardo’s Wedding in the Works, Says Alden’s Father
CONFIRMED: Alden Richards and Kathryn Bernardo’s Wedding in the Works, Says Alden’s Father CONFIRMED: Alden Richards and Kathryn Bernardo’s Wedding…
Live! Alden Interviewed about Kathryn • KathDen Latest Update Today
Kasalukuyan nang usap-usapan ang magka-loveteam na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa mga social media platforms matapos magbigay ng…
CONFIRMED! KATHRYN DROPS HINTS about the POSSIBILITY of PREGNANCY with ALDEN!
Introduction The Philippine entertainment industry continues to be abuzz with the surprising rumor that Kathryn Bernardo, a famous actress and…
KathDen’s relationship OPENED by Joross • Joross: “Those two are already taken”
In a surprising turn of events, actor Joross Gamboa has dropped a major bombshell about the long-rumored relationship between Kathryn…
CONFIRMED! KATHRYN BERNARDO AS MARIMAR and ALDEN RICHARDS AS SERYO, TO BE WATCHED ON GMA7…
Kathryn Bernardo as Marimar and Alden Richards as Seryo, to be aired on GMA7 A major event took place in…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply