Kris Aquino challenges Mocha Uson to a catfight: “Balahura rin ako.”

Hinamon ni Kris Aquino si Mocha Uson nang harapang sabunatan o debate, huwag lang umanong bastusin muli ng blogger-dancer ang mga namayapang magulang ng TV host-actress.
Base ito sa simultaneous Facebook at Instagram live video ni Kris kagabi, June 5.
Dito ay inamin ni Kris na ikinagalit niya nang husto ang ginawang paglapastangan ni Mocha sa kanyang mga yumaong magulang na sina Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at President Corazon “Cory” Aquino.
Pahayag ni Kris: “Sobra ka na, e. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo, mahal na mahal ko.
“Ganito na lang, ha? Diretsahan na, babae sa baabe, gusto mo ng kaaway?
“I’m ready. Anytime, anywhere, harapan.
“Gusto mag-debate, keri. Gusto mo gawin natin yung eksena sa movie?”
Sa puntong ito ay tinukoy ni Kris ang pelikulang Four Sisters And A Wedding, kung saan may eksenang sinabunutan ni Angel Locsin ang karakter ni Mocha at saka kinaladkad mula sa loob ng restaurant palabas ng kalsada.
Patuloy ni Kris, “Gusto mo gawin natin yung eksena na yun? You want na ako ikaw at ikaw si Angel?
“Gawin natin para matigil ka na lang.”
Ayon kay Kris, niyurakan ni Mocha ang alaala ng kanyang mga magulang.
Kaugnay ito ng Facebook post ni Mocha na nagpapakita ng paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang Pinay OFW (Overseas Filipino Worker) sa isang official engagement sa South Korea kamakailan.
Umani ng pambabatikos ang insidente mula sa netizens dahil sa ipinamalas ni President Duterte na kawalan umano ng respeto sa kababaihan.
Kilala bilang masugid na tagasuporta ni President Duterte, inihayag ni Mocha na wala umanong pinagkaiba ang inasta ni Pangulong Duterte sa video ni Ninoy na ninakawan ng halik ng dalawang Pinay habang sakay ng eroplano mula U.S. noong August 21, 1983.
“STOOPING DOWN TO HER LEVEL.” Mariin itong inalmahan ni Kris, lalo pa’t iyon ang araw na napaslang si Ninoy paglapag ng sinasakyan nitong eroplano sa dating Manila International Airport.
Mariin niyang pahayag, “What you are doing to my parents, they do not deserve.
“People will tell me, ‘Why are you stooping down to her level?’
“I’m doing this because I love my mom. I love my dad.
“And if I don’t do this now, I will hate myself.
“If I don’t do this now, I won’t be the mother I want to be.
“Ginagawa ko ‘to because I want my sons to see what I am willing to do for my mom and for my dad.
“Because when I’m no longer here, gustung-gusto ko na si Bimb ipagtanggol ako.”
Tahasang inamin ni Kris na kaya niyang tanggapin kung anumang ibato sa kanya dahil sa samu’t saring kontrobersiyang kinasangkutan niya pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.
Bago pa sumalang sa kanyang live video ay inungkat na ito mismo ni Kris sa kanyang Instagram at Facebook post.
“Dahil di perpekto ang buhay ko. Open book ang buhay ko.
“Alam ko kung ano ang pinagdaanan ko, alam ko kung ano ang nakaraan ko.
“Pero alam ko na meron tayong mapagpatawad na Diyos, at alam ko kung ano na ako ngayon.
“At yun ang importante. What you make of yourself because of those mistakes.
“And if I allow those mistakes and those lies about my parents to continue, I am not worthy to carry their name.”
“STOP IT.” Hamon pa ulit ni Kris kay Mocha: “I just wanna say, I am ready for you. This is a direct challenge to you.
“Face me, anywhere. Text me. You can find my number, andali.
“Name the place. Name the location. Let’s carry it live. Bring all your followers. I can stand alone.
“But stop it. Stop doing this to two people who have never hurt you.
“Hindi ka nila binastos dahil patay na sila.
“Hindi ka rin binastos ng kapatid ko, pero labas siya sa usapan na ‘to.
“Buhay siya, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.
“Pero hindi kaya ng nanay at tatay ko.”
Ang tinutukoy na “kapatid” ni Kris ay si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Iginiit ni Kris na kaya niyang makipagsabayan sa paraan na maiintindihan ni Mocha.
Aniya, “Pero ako, buhay na buhay. So ako, balahura din ako, e.
“Ganyan, e, ganyan ang labanan e. Kailangan ka talagang lumaban.”
Emosyunal man, aminado si Kris na pinipigilan niyang maiyak kahit pa sumariwa sa isip niya ang hirap na pinagdaanan ng ina dahil sa kanya.
“Na-relive, e. Timing ng post was Kuya’s birthday.
“Naalala ko lahat ng kasalanan ko sa mom ko, lahat ng pinatawad ng mom ko, lahat ng kabutihan na ginawa ng mom ko para sa akin.
“At lahat ng kabuuan ko, because of who my mother was.”
Ang “Kuya” na tinutukoy ni Kris ay ang kanyang panganay na anak na si Josh, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, June 5.
Sabi pa ni Kris, “Kaya ko, e. Dahil lahat na siguro ng pinakamasakit, lahat na ng basurang puwedeng itapon, natapon na sa akin.
“Pero kinaya ko at wala akong itinago.”
“MY FATHER WAS A HERO.” Sa kabila umano ng kontrobersiyal niyang buhay bilang artista, iginiit ni Kris na ipaglalaban niya hanggang sa huli ang legacy ng kanyang mga magulang.
“Yes, my father is a hero. Yes, my father died for this country. Pinaslang ang tatay ko.
“At ang dalawang babaeng iyon, nahalikan siya bago siya bumaba, at bago siya na-assassinate.
“Hindi mo alam ang sakit na pinaramdam mo sa post na yun.
“Naisip ko, sana nabigay yung karapatan na yun sa mom ko.
“My mom deserved that. Because my mom gave her entire life to my dad.
“I will get a scolding from my mom if I cry now. That’s why I’m fighting my tears.
“My mom will say, ‘Krissy, this is the time that you do not cry.’ So, I am doing everything in my power to not cry.
“But I am giving you fair warning.
“Isa pa, isa pa na bastusin at babuyin mo ang tatay o nanay ko, magtutuos tayo.”
A DAUGHTER’S IRE. Nilinaw rin ni Kris na wala siyang planong sumabak sa pulitika.
At wala raw siyang pakialam kung ang kanyang pagpatol kay Mocha ay posibleng ikawala ng mga kontrata niya bilang endorser.
“This is really not about me.
“This is about the legacy of two people I really love.
“This is about Ninoy Aquino and Cory Aquino.”
Pagtukoy pa ni Kris kay Mocha, “And this is about a woman who never knew them.
“Na hindi tumitigil na bastusin ang pangalan ng mga magulang ko.
“Tama na. Girl, ako na lang.
“Kayang-kaya ko. Anytime, anywhere.
“Say what you want about me. Say the harshest words you want. I can take it.
“But spare my parents. Hindi nila deserve ang kabastusan mo.
“Binigay nila ang buhay nila para sa mga Pilipino.
“Galit na galit po ako pero napansin niyo ni minsan hindi ako nagmura.
“Hindi po ako pinalaki nang ganyan. Hindi ako pinalaki para mambastos.
“Pero pag binabastos na ang mga magulang ko, kaya ko talaga.”
Sa huli, muling babala si Kris kay Mocha: “Wala akong uurungan. At hindi kita uurungan.”
News
UNSEEN FOOTAGE! Reaksyon ni Kathryn Bernardo di Kinaya KILIG ng SULYAPAN ni Andres Muhlach sa Stage (VIDEO)
BREAKING NEWS: UNSEEN FOOTAGE! Kathryn Bernardo’s Reaction Says It All—Can’t Handle the KILIG from Andres Muhlach’s Gaze on Stage! A…
REAKSYON ni Coco Martin Di MAPINTA Ang MUKHA ng Makita HARAP-HARAPAN si Doc Analyn Jillian Ward
Jillian Ward ‘di umubra sa angas ni Coco Martin Hindi kinaya ng serye ni Jillian Ward na ‘Abot-Kamay na Pangarap’…
“NAKADUDUROG ng PUSO! Billy Crawford EMOSYONAL na INALAYO sa ANAK na si Baby AMARI Dahil sa Daming PROYEKTO!”
💔 Breaking News: “NAKADUDUROG ng PUSO! Billy Crawford EMOSYONAL na INALAYO sa ANAK na si Baby AMARI Dahil sa Daming…
Sarah Geronimo Brought to Tears by Matteo Guidicelli’s Emotional Graduation Speech as BSBA Graduate
BREAKING NEWS: Sarah Geronimo Brought to Tears by Matteo Guidicelli’s Emotional Graduation Speech as BSBA Graduate It was an emotional…
SHOCK: Gaano kayaman si Andi Eigenmann? Ang katotohanan tungkol sa ari-arian at ang tunay na may-ari nito ay nakakagulat.
Andi Eigenmann – a famous actress in the Philippine entertainment industry – not only impresses with her simple lifestyle in…
Janine Gutierrez Recalls The First HOT Onscreen With Jericho Rosales
Janine Gutierrez Recalls First Onscreen Kiss With Jericho Rosales No, they weren’t dating yet at the time! PHOTO: Instagram/janinegutierrez, YouTube/Janine…
End of content
No more pages to load