BAGO magwakas ang 2024, balikan natin sa isa pang pagkakataon ang mga kwento ng tagumpay na nagbigay-daan upang makilala ang mga Pinoy sa global scene.
Mula sa prestihiyosong mga parangal hanggang sa makapangyarihang performances sa international stage, patuloy na ipinamalas ng ating mga kababayan ang walang kapantay na husay at talento.
Narito ang mga bituin na nagningning ngayong taon at naging inspirasyon hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo!
Liza Soberano
Una na riyan ang aktres na si Liza Soberano na nag-shine nang bongga matapos tumampok sa Hollywood film na âLisa Frankensteinâ noong Pebrero.
Kasama niya riyan ang mga bidang Hollywood stars na sina Cole Sprouse at Kathryn Newton.
Paano nga ba nakuha ni Liza ang kanyang supporting role bilang si âTaffy,â ang step sister ni âLisa Swallowsâ na ginagampanan ni Kathryn?
Ayon sa direktor ng pelikula na si Zelda Williams, nakilala niya si Liza through a common friend and dito niya raw nakita na fit ang Pinay actress sa hinahanap niyang âsweetâ at âloving aura.â
Dahil diyan, kinumbinsi niyang mag-audition ang Pinay actress para sa international film.
Lovi Poe
Matapos magpaalam sa âFPJâs Batang Quiapo,â proud na ibinandera ni Lovi Poe na kabilang siya sa upcoming Hollywood independent film na âBad Man.â
Until now ay wala pang detalye kung kailan ito ipapalabas, pero isa itong true story na tungkol sa isang federal state police officer na may serious meth problem na nakipag-team up sa isang âmorally strictâ local deputy upang maimbestigahan ang isang murder.
Kabilang sa mga producer ng pelikula ay ang kanyang mister na si Monty Blencowe.
Marina Summers
Nagpasiklab ng husay at galing si Marina Summers sa âRuPaulâs Drag Race: UK vs The Worldâ season 2.
Siya ang itinanghal na Top 4 finalist, habang ang top winner ay ang British drag queen na si Tia Kofi.
Si Marina ang kauna-unahang drag performer na talagang naging vocal at proud na proud sa pagrepresenta ng ating bansa na nag-compete sa international edition ng hit reality competition na âDrag Race.â
Bago âyan, siya ang nanalong first runner-up sa âDrag Race Philippinesâ season 1 na umere noong 2022.
Christian Bables
Dream come true para kay Christian Bables ang maging isang Hollywood actor!
Ang exciting news ay proud niyang ibinandera sa Instagram noong Mayo matapos pumirma ng kontrata sa Hollywood agencies na Legacy Entertainment, Breaking Hits, at ASAP na ginanap sa Los Angeles, California.
Sey pa niya, âIâve been receiving a lot of DMs, asking if Iâll be moving here for good [happy face emoji] I still am, and forever will be, an actor of the Philippines for as long as I am needed [red heart emoji].â
Brandon Perea
Lalong nakilala this year ang Filipino-American actor na si Brandon Perea matapos umeksena at bumida sa Hollywood film na âTwistersâ noong Hulyo.
Ang role niya riyan ay bilang si âBooneâ na kabilang sa isang squad mula Arkansas na naghahanap ng thrill bilang storm chasers.
Ang nasabing pelikula ay ang modern take ng 1996 disaster movie na âTwisterâ na umiikot sa isang grupo na halos nanganib ang buhay matapos ma-encounter ang tinatawag na âdeadly tornadoesâ sa Oklahoma sa kasagsagan ng tornado season.
Gabbi Garcia
Next level din si Gabbi Garcia dahil napabilang siya sa international film na âDeath Marchâ kasama ang Hollywood actor na si Scott Adkins.
Noong Agosto nang ipinasilip ng aktres ang ilang behind-the-scenes, kabilang na ang picture nila ni Scott na tila sabay na binabasa ang script.
Hindi pa napapalabas ang pelikula, pero ito ay iikot sa istorya ng isang Special Air Service soldier sa kasagsagan ng World War II.
Carlos Yulo
Pinatunayan ni Carlos Yulo na deserving niya ang pagiging âGolden Boyâ ng Philippine Gymnastics!
Dalawang gold medals kasi ang nakuha niya sa Paris Olympics 2024 noong Agosto.
Siya ang champion sa mga kategoryang âmenâs artistic gymnastics floor exerciseâ, at âmenâs artistic gymnastics vault finals.â
Dahil diyan, gumawa ng kasaysayan si Carlos bilang first-ever Pinoy athlete na nagwagi ng multiple medals sa iisang Olympic event.
Bukod diyan, siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng dalawang gold medals!
Alessandra de Rossi
Ang kanyang husay sa pag-arte ay kinilala sa bayan ng Martano sa Italy noong Agosto at nabigyan siya ng âplaque of recognitionâ mula sa Italian officials.
Ayon sa city hall ng nasabing bayan, ito ay dahil sa kanyang âexcellent professional results achieved at an international level in the cinematographic world.â
Isabella Delos Santos
Maliban sa mga artista at atleta, hindi rin nagpahuli ang ilan sa mga pambato nating beauty queens pagdating sa ilang international competition.
Ang unang Pinay na nagbigay karangalan for this year ay si Isabelle De Los Santos na hinirang na first runner-up sa 2024 Miss Aura International na ginanap sa Turkiye noong Oktubre.
Samantala, ang top winner naman sa nabanggit na international beauty pageant ay ang pambato ng Columbia na si Yuri Rey na tinalo ang 44 contenders mula sa ibaât-ibang bansa.
CJ Opiaza
Ang sumunod diyan si CJ Opiaza, ang pambato naman ng ating bansa sa Miss Grand International.
Naganap ang coronation night sa Thailand nitong Oktubre rin at nakuha rin niya ang first place.
Samantala, kinoronahan diyan ay si Rachel Gupta, ang pambato ng India, na siyang tumalo sa 68 na iba pang contestants.
Chelsea Manalo
Kahit hindi naging Miss Universe ang ating pambato na si Chelsea Manalo, siya naman ang kauna-unahang âMiss Universe Asia!â
Dahil sa kanyang titulo, ang Bulakenya Queen ay nakatakdang bisitahin ang buong Asya kung saan magkakaroon ng official trips ang Miss Universe Organization.
Ang continental queens inanunsyo during the post-pageant press conference na ginanap sa Mexico noong Nobyembre.
Magugunitang nabigong makapasok sa Top 12 ang ating pambato, matapos mapabilang sa Top 30 qualifiers during the coronation event.
Ang itinanghal na Miss Universe for this year ay si Victoria Kjaer Theilvig ng Denmark.
Kathryn Bernardo
Bongga ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo dahil tumanggap siya ng âSnow Leopard Rising Starâ award sa Asian World Film Festival na naganap sa Culver City, California noong nakaraang buwan.
Ito ay dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang âHello, Love, Againâ kasaama si Alden Richards.
Gumawa pa nga ng kasaysayan ang pelikula bilang kauna-unahang Pinoy film na kumita ng mahigit P1 billion worldwide sa bof-office.
Iñigo Pascual
Matapos ang kanyang Hollywood debut noong 2022, si Iñigo Pascual ay bumida naman sa international latest project na âHomestead.â
Ang role ng aktor ay bilang isang binata na nakikipagbuno sa bigat ng tadhana at mga sakripisyong kailangan para iligtas ang sangkatauhan.
Ang apocalyptic thriller film ay ipinalabas na noong December 20 sa Amerika.