Aga kina Andres at Atasha: Wala kayong karapatang maging mayabang!

Atasha Muhlach, Charlene Gonzalez, Aga at Andres Muhlach
HINDI nagsasawa ang premyadong aktor at dating matinee idol na si Aga Muhlach na laging paalalahanan ang kambal na anak na sina Atasha at Andres Muhlach.
Ngayong pareho nang nasa mundo ng showbiz ang dalawang anak ay talagang pinapayuhan niya ang mga ito upang magtagal sa pinili nilang career at magkaroon din ng marka sa industriya na kinalakihan din niya.
“Ang advice ko sa kanila is trabaho ‘yan, ha. Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa akin na ngayon ito ‘yung end result of hard work, so you have to go through that hard work,” ang pahayag ni Aga sa panayam ni MJ Felipe para sa TFC show na “BRGY.”
Patuloy na pagbabahagi ng award-winning actor at maituturing na ring icon sa entertainment industry, “When you see all of these parang glamorized life, the good life, lahat ‘yan that’s all because of hard work, tears, lahat ‘yan, so dadaanan niyo ‘yan.”
Ang isa raw sa palagi niyang ipinaaalala kina Atasha at Andres, “Just always be the kindest person you can be, ‘yun lang ang reminder ko sa kanila.”
Pagpapatuloy pa ni Aga, “Sabi ko huwag kayong mayabang, maging totoong tao kayo, maging tapat kayo at magtrabaho kayo, hanapbuhay ‘yan, eh.”
In fairness, nagkakaisa ang mga taga-showbiz at iba pang taong nakakasalamuha ng kambal na maayos ang naging pagpapalaki nila ni Charlene Gonzalez sa kanilang mga anak.
Bukod sa magagalang at mababait ay marespeto rin ang celebrity twins. Reaksyon ni Aga, “They grew up that way. Growing up ganyan na ‘yung paghuhulma ko sa kanila na wala kayong karapatan na maging mayabang sa mundong ito.
“Kailangan maging maayos kayo sa tao, maging mabait kayo parati. Ganun lang, so hanggang sa pag-aartista nila, naiintindihan na nila ‘yun,” aniya.
Dagdag pang sey ng aktor, “My family is talagang we were quiet, tahimik lang ang buhay namin. We always kept it private as much as we can.
“The kids grew up that way also, kahit nasa limelight sila or kami, we’ve always kept it private,” lahad pa ng aktor.
News
LTO Bohol ASKS FOR FORGIVENESS FROM FARMER After Alleged Mistreatment – LTO SUSPENDED! Raffy Tulfo Steps In!
In a shocking turn of events, LTO Bohol has officially apologized to a farmer after accusations of mistreatment and unfair…
Gabby Concepcion BREAKS SILENCE on Sharon Cuneta Wearing a Ring from Him—What He Said Will SHOCK You!
Gabby Concepcion reacts to Sharon Cuneta wearing a ring from him Gabby confirms Sharon gifted him with his first pair…
Masakit na Pag-amin ni Kris Aquino: Natapos ang Tunay na Dahilan Niyang Relasyon Ni Mark Leviste… (TR)
No longer just rumors or speculations, Kris Aquino has finally spoken out to reveal the real reason why she had…
Carmina Villarroel BREAKS SILENCE on Violence Against Her Kids: “They Have No Right!”
Carmina Villarroel Speaks Up About Violence Against Her Kids: ‘They have no right’ ‘Ikaw ba, ‘pag may nanakit sa anak…
Vice Ganda ‘bothered’ by contestant’s lack of knowledge about COMELEC on ‘It’s Showtime’
TV host and comedian Vice Ganda expressed his concern after a contestant on ‘It’s Showtime’ admitted that she had little…
Donnalyn Bartolome PINAGTUTULUNGAN ng IBA PANG SOCIAL MEDIA INFLUENCERS! Ano Ba Talaga ang Nangyayari?
Donnalyn Bartolome Pinagtutulungan ng Ilan Pang Social Media Influencers! Donnalyn Bartolome’s statement to those who are sad because she’s back…
End of content
No more pages to load