Sinagot ni Kapuso actor Alden Richards ang naging palaisipan sa netizens kung ano ang real score sa kanila ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo.
Naging trending topic kasi ang dalawa nitong mga nakaraang araw dahil sa doblenng pagdalo ng aktor sa birthday party ni Kathryn; una sa Palawan at pangalawa sa inorganisang surprise birthday party na in-organize ng glam team at malalapit na kaibigan ng dalaga. Bukod pa doon, nakitaan ng sweetness ang dalawa sa ikalawang celebration.
Dahil dito, hindi maiwasang mapaisip ang kanilang mga fans kung ano ba ang totoong namamagitan sa kanila.
Kaya naman ito ang itinanong ni GMA reporter Nelson Canlas sa aktor sa interview na ipinalabas kagabi, April 10, sa 24 Oras.
Ayon kay Alden, hindi naman daw kasi nawala ang pagiging close nila mula nang magtambal sila sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye noong 2019.
Ito nga raw ang dahilan kaya s’ya naimbitahan sa birthday celebrations ng aktres na kanya namang pinaunlakan.
“I was invited and s’yempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman ’yong naging experience and you can see how happy Kath is right now,” lahad ni Alden.
Pag dating naman sa estado ng closeness nila ni Kath, tumanggi nang magdetalye pa ang aktor dahil ayaw umano n’yang ipangalandakan pa ang bagay na ito sa publiko.
“Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yong mga ganyan. You know, sometimes ‘yong mga personal things that’s happening, better be personal na lang,” sabi ni Alden.
However, ibinisto ni Nelson ang umano’y ibinulong sa kanya ng Asia’s Multimedia Star: “‘What you see is what you get.’”
Pero matatandang naging vocal noon ang aktor na game s’yang makatambal muli si Kathryn kung magkakaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye.
“Ako po, of course. Hello, Love, Goodbye naman po made history and ’yon naman rin po ang gusto ng mga nakapanood, na magkaroon ng part 2,” sabi n’ya sa isang interview noong December 2023.
“Sabi ko, ‘Direk Cathy [Garcia-Sampana], kapag gumawa kayo ng part 2 ikaka-cancel ko muna lahat ng schedule ko,’” dagdag pa n’ya.
Pero ipinauubaya umano n’ya ang desisyon na ito sa Star Cinema na s’yang producer ng pelikula.
“But then again, that’s really up to Star Cinema kasi sila naman ‘yong producer and they own the rights [to] the movie,” paliwanag ng aktor.
Sa ngayon, busy si Alden sa ginagawa n’yang period drama series na Pulang Araw kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez, David Licauco, Barbie Forteza, at Dennis Trillo.
News
Senatorial Bets Ni Pbbm Ayaw Munang ‘Sumawsaw’ Sa VP Sara Impeachment
Nagdesisyon ang ilang senatorial candidates mula sa administrasyon na huwag magbigay ng kanilang opinyon hinggil sa kasalukuyang impeachment case na…
Brod Pete, Naglabas Ng Saloobin Sa Success Na Tinatamasa Ni Alex Calleja: “Naiinggit Ako”
Veteran comedian and writer Brod Pete shared his thoughts on Alex Calleja’s recent success. People remembered Calleja’s incredible success when…
🔥 SHOCKING REVEAL: ALDEN REALLY LIKES KATHRYN?! Mama Ogs’ Source SPILLS the TEA! 😱💖
Alden Richards, tinigil na umano panliligaw kay Kathryn Bernardo, ayon kay Ogie Diaz – Ogie Diaz, in his latest vlog,…
🔴 KRIS AQUINO REVEALS HEARTBREAKING TRUTH: “I Have Little Time Left,” BUT HER FAITH IS UNBREAKABLE! 😱 (VIDEO)
KRIS AQUINO ADMITS SHE HAS LITTLE TIME LEFT, BUT HER FAITH REMAINS STRONG In an emotional and heartfelt confession, Kris…
Carla Abellana’s Reaction To The Return Of Her Ex-Husband Tom Rodriguez To The Philippines …
After more than two years in America, actor Tom Rodriguez is back in the Philippines. His return to the Philippines…
🔴 KRIS AQUINO PASSES AWAY?! ROBIN PADILLA AND MARIEL RODRIGUEZ MOURN! 💔 IS IT TRUE?! 💥
A shocking rumor has taken the internet by storm: Kris Aquino, the Queen of All Media, is said to have…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply