Bago pa man naabot ng aktor-direktor na si Coco Martin ang rurok ng kanyang kasikatan ngayon, dumaan muna siya sa maraming pagsubok at iba’t-ibang kontrobersiya.
Isa sa malaking kontrobersyang kinaharap noon ng aktor ng matawag siyang irresponsableng ama dahil sa pagpapabaya umano niya sa anak nila ni Katherine Luna.
Matatandaan na noong 2005, nagkaroon ng maikling relasyon si Coco Martin kay Katherine Luna habang ginagawa nila ang pelikulang ‘Masahista’. Siya rin ang itinuturong ama ng anak nito.
Subalit hindi nagtagal ay naghiwalay noon sina Coco Martin at Katherine Luna na naging dahilan kaya tinatawag siya noon bilang isang pabayang ama.
Samantala sa isang panayam noon ni Boy Abunda kay Coco Martin ipinahayag niyang hindi naman sila naging mag-boyfriend-girlfriend, subalit inamin niyang may nangyari nga sa kanila.
“Magkasama lang kami sa movie. Hindi kami magboyfriend. Sabi ko nga dahil sa kabataan, labas labas, gimik gimik, may nangyari na ‘di namin inaasahan.”
“Nung ipinagbubuntis ko, oo, meron po siyang… Opo, nabilhan niya ako ng mga gamit. Pero nung ipinanganak ko na si Nicole, wala, wala na, wala po akong narinig. Simula nung first month.”
“Pero kung ano’ng maitutulong niya…. masaya yung bata sa akin. Hindi ko ipagdadamot yun, hindi ko ipagdadamot sa kanya na makilala niya in person yung tunay niyang ama.”
Subalit noong 2014, sinabi ni Coco Martin na pinayuhan siya ng kanyang manager hinggil sa pagkuha ng custody ng bata. Pinayuhan umano siya nito na idaan ang lahat legally kabilang na ang pagpapagawa ng DNA Test.
Pumayag naman umano ang ang lola ng bata at ina nito, subalit lumabas sa resultang negative ang paternity test.
Labis naman umanong nalungkot at nanghihinayang si Coco Martin dahil handa naman umano siyang akuin ang bata lalo pa’t nagsimula na ang kanyang pagsikat sa taong iyon.Bukod sa kanyang naramdaman, nasasaktan din siya para sa bata dahil buong akala nito na siya ang tunay nitong ama.“And may point, iniisip mo din yung bata. Kasi lahat ng kalaro niya, lahat ng kamag-anak niya, kapag napapanood niya ako sa TV I’m sure, ‘Yan Daddy ko.’ Di ba, hindi lang ako eh, ang laking damage na nangyari.”
“Siyempre on my part gusto ko akuin yung bata. Kasi wala siyang kasalanan eh. And di ko din alam anong pwedeng puntahan ngayon, paano na ngayon siya, yung pinaka inaasahan niya na hope wala pala.”
News
SHOCKED: Alden Richards Wants To Go Home To The Philippines Because He Misses Kathryn…
Alden Richards is making headlines as rumors swirl that he wants to return to the Philippines after expressing how much…
Sunshine Cruz Expresses Excitement and Eagerness to Marry Atong Ang (VIDEO)
In a bold and heartwarming revelation, actress Sunshine Cruz has openly expressed her excitement and strong desire to marry…
Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli Proudly Announce Their BIGGEST Surprise❤️ Fans Celebrate Sarah & Matteo’s Special Milestone
In a heartwarming and unexpected announcement, Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli recently shared one of the biggest surprises of their…
HOT: Kris Aquino TV Comeback?
Kris Aquino TV Comeback, Source Says It’s Not Yet Happening Fans of Kris Aquino are waiting for her TV comeback…
Kris Aquino’s medical condition. Her FRIEND REVEALS, Kris’s LEG has an unusual problem…
Kris Aquino, the Philippines’ top TV personality and host, is going through a tough time with her health. Her condition…
Kakaibang pagkakataon. Napansin ng mga netizens na ang pagbibitiw ng TVJ ay kasabay ng araw ng pagpanaw ni Pepsi Paloma. Ano ang tunay na dahilan?
Coincidence? Netizen notice that TVJ’s resignation is the same day of Pepsi Paloma’s passing While thousands of netizens are discussing…
End of content
No more pages to load