Enzo nailang nang maghubad sa harap ni Sunshine!

Enzo Pineda at Sunshine Cruz



Maituturing daw ni Enzo Pineda na ang pelikulang Malamaya ang pinakamapangahas niyang nagawa sa isang proyekto. Isa ito sa mga kalahok para sa Cinemalaya Film Festival 2019 na gaganapin sa susunod na buwan. “Yes, it is. Well I’ve done mga underwear shoots for Bench pero this is for the film talaga eh. Actually hindi ko alam kung anong iisipin ng magulang ko ‘pag napanood nila ito, pero they know. Nagpaalam naman ako. Sabi ko, ‘May ipapakita akong parts of my (body)… but this is an artistic film,” pagbabahagi ni Enzo.

Isang malaking karangalan para sa aktor na makagawa ng isang proyekto para sa nasabing Film Festival. Aminado rin ang binata na nahirapan siyang gawin ang mga maiinit nilang eksena ni Sunshine Cruz. “Sabi ko kay Shine, ‘Ang hirap pala nito.’ Kasi parang may times na okay ako, pero habang tumatagal maraming takes, unti-unti na akong nako-conscious. Sabi ko, ‘Oo nga ‘no, wala pala akong suot.’ I felt that ‘yung buong kaluluwa ko in-expose ko sa film which is ‘pag pumapasok sa utak ko, ‘Grabe! Ginawa ko ‘yon? nakakatakot ah,’” pagdedetalye ng aktor.

Malamaya | Official Trailer | Sunshine Cruz & Enzo Pineda - YouTube

Ayon kay Enzo ay malaki ang naitulong sa kanya ni Sunshine sa lahat ng kanilang ginawang eksena sa pelikula. “Sunshine is very professional, open siya. In real life sobrang bait niyang tao, napaka-sweet, napaka-collaborative. And since siya ‘yung mas knowledgeable sa akin, she was able to calm me down in situations na tingin ko napi-pressure ako. Bata pa lang ako, crush ko na siya eh. And now working with her, dream come true ito for me,” nakangiting pahayag ng binata.

Sue nagka-cram sa gagawing concert

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng concert si Sue Ramirez. Gaganapin ang Rock Chic concert ng aktres sa Music Museum sa July 19. Magiging special guests ni Sue para sa nasabing concert sina Kristel Fulgar, Michael Pangilinan at Maris Racal. “Medyo nagka-cram ako pero I’m excited na gawin lahat with the help of the people around me,” bungad ni Sue.

Abot-abot ang pasasalamat ng aktres dahil sa dami ng mga biyayang kanyang natatanggap. Matatandaang nakasama kamakailan si Sue sa pelikulang Sunshine Family kung saan ay nakatambal pa ang Korean actor na si Shinwoo. Isang bagong teleserye rin ang ginagawa ngayon ng dalaga sa ABS-CBN. “Thankful ako sa lahat talaga especially kay God na binigyan niya ako ng ganito kadaming blessings all at the same time,” pagtatapos ng dalaga.