– Ibinahagi ni JC De Vera na may co-star siyang may “attitude” ngunit nakakatawa ang karanasan niya rito
– Inalala niya ang unang pagkikita nila ni Alex Gonzaga noong magkasama sila sa gag show na LokoMoko sa TV5
– Na-offend siya nang tanungin siya ni Alex kung original ang suot niyang shades ngunit inisip niyang friendly gesture lamang iyon ng aktres
– Nagkasama pa sila sa pelikulang The Entitled noong 2022 at nanatili silang magkaibigan
Sa panayam ni JC De Vera sa isang podcast, hindi niya itinangging mayroon siyang mga nakatrabahong co-star na may “attitude.” Gayunpaman, nilinaw ng aktor na nakakatawa at hindi seryosong pag-a-attitude ang kanyang naranasan, lalo na sa isang insidente kasama ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Source: Youtube
Ayon kay JC, hindi niya makakalimutan ang kanilang unang pagkikita noong magkasama sila sa gag show na LokoMoko sa TV5. Sa isang out-of-town shoot, suot niya ang kanyang pulang Oakley shades nang bigla siyang tanungin ni Alex, “JC, original ba yang shades mo?”
Ibinahagi ni JC na natawa siya sa tanong ngunit aminadong na-offend siya sa umpisa. Aniya, “Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaasar, pero awkward moment talaga.” Inisip niya na baka iyon ang paraan ni Alex para makipag-usap sa kanya dahil hindi pa sila close noong panahon na iyon.
Matapos ang ilang minuto ng pag-iisip, napagtanto ni JC na hindi naman sinasadya ni Alex ang kanyang tanong. Wala rin siyang sama ng loob sa aktres at sinabi pang maayos ang kanilang relasyon ngayon.
Nagkasama pa sila sa isang proyekto noong 2022, ang comedy film na The Entitled, kung saan nag-enjoy silang magtrabaho bilang magkaibigan. Ngayon, iniisip na lamang ni JC ang insidente bilang isang nakakatawang alaala mula sa kanyang showbiz journey.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.
Binahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng naging komento ni Sen. Loren Legarda sa kanyang post na kanya ding sinagot. Sa kanyang ‘Mareng Mar’ na video na binahagi, napakomento si Sen. Loren kung saan natanong niya si Alex kung ano ang ginagawa nito.
Kamakailan ay ibinida ni Alex ang kanyang todo-effort na video upang maaliw ang pamangkin niyang si Polly na tuwang-tuwa sa American YouTuber na si Ms. Rachel. Kaya naman, sa kanyang video ay sinubukan niyang gayahin si Ms. Rachel ngunit tila hindi pa rin naaliw si Polly.
News
Marcos Unfazed by ‘It’s Showtime’ Contestant’s Shocking Ignorance of Comelec, Castro Responds!
Marcos ‘unbothered’ by ‘It’s Showtime’ contestant unaware of Comelec, Castro says This is from news selected image. President Ferdinand ”Bongbong”…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
Lindsay Custodio FACES CYBER LIBEL CASE Filed by Her Ex-Husband!
In a shocking turn of events, Lindsay Custodio, a known personality in the entertainment industry, is now facing a cyber…
Ice Seguerra REVEALS the Actor Who Was the Sperm Cell Donor for Their IVF Baby with Liza Dino!
In a heartfelt and candid revelation, singer and actor Ice Seguerra has finally shared the details about the sperm cell…
PBBM Responds to Question on Who Should Be Held Responsible for the Collapsing Bridge in Isabela
PBBM Sinagot Ang Tanong Kung Sino Ang Dapat Managot Sa Gumuhong Tulay Sa Isabela Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr….
Sunshine Cruz Nagulat Sa Regalo Ng Dating Asawa Na Si Cesar Montano!
Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa regalong natanggap niya mula sa kanyang dating asawa na si…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply