Ikinagulat ng multi-millionaire business man na si Boss Toyo ang panibagong item na dinala sa kanyang shop.Alam naman ng maraming mga netizens na bumibili ng mga memorabilia ng mga sikat na artista si Boss Toyo sa pamamagitan ng kanyang vlog at business na Pinoy Pawnstar. Binibili ni Boss Toyo ang ilang mga items mula sa mga kilalang personalidad sa malaking halaga .



Samantala, ikinagulat ng maraming mga netizens ang panibagong episode ng Pinoy Pawnstar kung saan may isang pambihirang gamit na naman na dinala sa kanya upang ibenta. Hindi makapaniwala si Boss Toyo na isang kabaong ang dinala sa kanya na sinasabing ginamit ni Dingdong Dantes sa pelikulang Rewind.

Sa kasalukuyan ay hawak ngayon ng pelikulang Rewind na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang record ng highest grossing film in the Philippines, napataob nito ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na matagal ring may hawak sa nasabing titulo.

Bukod pa rito, ito rin umano ang kauna-unahang kabaong na hinigaan mismo ni Dingdong Dantes. Personal na dinala ang nasabing kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa kanyang pelikula ng may-ari ng St. Atanastious Memorial Chapel.

Ipinagmalaki pa nito na imported at gawa sa metal ang nasabing kabaong. Bagama’t ikinagulat ito ni Boss Toyo, tinanong naman kaagad niya kung magkano ibinebenta ang nasabing item.

Inilahad naman ng may-ari na ibinibenta niya ito sa halagang isang milyong peso, kaagad naman itong tinawaran ni Boss Toyo ng 200,000 pesos. Nagbigay naman ng maraming dahilan si Boss Toyo kung bakit hindi niya maibigay ang halagang hinihingi ng may-ari sa kanya kapalit ng kabaong.

Pinag-iisipan pa rin umano ni Boss Toyo kung saan niya ilalagay ang nasabing item sa loob ng kanyang museum lalo pa’t kumakain umano ito ng malaking space. Naitanong rin ni Boss Toyo kung may pirma ba sa kabaong si Dingdong Dantes bilang patunay na ginamit nga niya ito.

Hindi na umano napapirmahan pa ng may-ari kay Dingdong Dantes ang kabaong dahil napakagulo umano sa set ng mga oras ngayon. Subalit, may mga ipinakita namang video na siyang nagpapatunay na totoong humiga roon si Dingdong Dantes.

Sa huli, napagkasunduan nila ang presyo sa 250 thousand pesos.