“Yon din kasi ang reveal ng character ko talaga,” sey ni Maris.



Challenging daw ‘yon dahil nakasuot siya ng stiletto sa buong eksena.

“Ang extra challenge doon ay I’m wearing heels the whole time,” kuwento ni Maris.

Inakala pa raw niya na puwedeng magsuot ng rubber shoes pero hindi pala.

Kahit challenging ay masaya si Maris dahil nagawa niya ang kanyang dream scene, na gumawa nga ng action scene na naka-heels at dress.

Ang kalaban niya sa action scene na iyon ay si Anthony, na iniiwasan nga niyang matamaan ng kanyang takong.

“Isa pa sa challenge ay hindi matamaan si Anthony ng heels ko,” pahayag ni Maris.

Pero natamaan pa rin ang binata.

“Hindi ko ma-gauge ‘yung length ng heels, so meron siyang tama dito,” sabay tinuro ang kanyang dibdib.

Dagdag pa niya, “Sobrang lalim na tama ng stiletto.”

Sulit naman ang mga challenge na hinarap ni Maris sa ‘Incognito’ dahil kahit newbie sa action ay pinupuri siya ng mga netizen pagdating sa kanyang action scenes.

Bonggels!