Isa sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa mga pinag-uusapan ng netizens nitong mga nakaraang araw dahil sa napapabalitang pag-iibigan nila ilang taon na rin ang nakakalipas.
Nagsimula ang tsismis nang i-share ng isang netizen ang larawan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao habang nagbabakasyon sila sa Bohol kasama ang iba pang celebrities tulad ni Raymart Santiago.
May mga netizen pa nga ang nag-isip na may anak na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao dahil napapabalita rin noon ang pagdadalang-tao ng aktres, pero nilinaw ng aktor na walang katotohanan ang mga tsismis na patungkol sa kanilang dalawa ni Shaina.
“Sabi ko, di ko kayo nasabihan. Sini-secret talaga namin, e. Ha-hahaha! Know for yourself, ‘di ba? Buti pa kayo alam,” natatawang pahayag ni Piolo Pascual.
Nang maitanong kay Piolo Pascual ang totoong relasyon nilang dalawa ni Shaina Magdayao, inilahad niya napakalapit nila sa isa’t-isa. Matagal na rin umano ang kanilang pagkakaibigan dahil noong child star pa lamang si Shaina ay palagi na niya umano itong nakikita.
“No, we’re good friends. Shaina and I are friends for so long since we were kids. Kasi child star pa lang nakikita ko na,’di ba?”
Dagdag pa ni Piolo Pascual na maganda ang relasyon nila ni Shaina Magdayao at ibinahagi rin niya kung gaano ito ka professional pagdating sa trabaho.
“We have a good relationship, I could say, and once we are in front of the camera, we are professional. Shaina Magdayao, take one ‘yan.”
Gayunpaman sa kabila ng paglilinaw na ito ni Piolo Pascual, hindi pa rin kumbinsido ang ilang mga netizens na magkaibigan lang sila ni Shaina Magdayao.
Dahil talagang naiiba raw ang kuwento ng mga gesture nila sa isa’t isa.
Matatandaan na noong pang 2012 napabalitang nagde-date sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual, ngunit palagi nilang pinabubulaanan ang isyu.
Kaya naman inilarawan na lamang ng ilang entertainment writers ang kanilang relasyon bilang ‘no label.’
News
Tony Labrusca’s Controversial Comments on Herlene Budol’s Physical Features Spark Outrage!
In a recent interview on Fast Talk with Boy Abunda, Tony Labrusca found himself in hot water after making a…
Jake Ejercito Ready to Take the Next Step: Building a Loving Family with Andi Eigenmann and Her Kids! 😱
Jake Ejercito On Co-Parenting With Andi Eigenmann: ‘Marami kami napagdaanan bago dumating sa point na ito’ It took years before…
Sunshine Cruz Reveals Shocking Truth: Inabuso Siya ni Atong Ang, Humantong sa Kanilang Heartbreakup!
In a powerful and emotional confession, actress Sunshine Cruz has publicly shared the painful reason behind her breakup with businessman…
Nagtapat sina Kathryn Bernardo at Alden Richards tungkol sa pangalawang pagkakataon, ibinunyag ang katayuan ng kanilang relasyon
Kathryn Bernardo and Alden Richards, gave a surprising statement about their relationship: “We’re not looking for a second chance, because…
Bago ang Breakup Rumors, Nagpadala ng Mensahe si Cesar Montano sa Boyfriend ni Sunshine Cruz na si Atong Ang!
Cesar Montano Has This Message For Sunshine Cruz’s BF Atong Ang Cesar Montano supports Sunshine Cruz’s current love life Seasoned…
Sunshine Cruz BREAKS SILENCE on Her Heartbreaking Breakup with Macky Mathay! 😢
Sunshine Cruz has opened up on her breakup with Macky Mathay. On Thursday’s “Fast Talk with Boy Abunda,” Sunshine said…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply