Ito ang unang Pasko na magkakasama ang rumored sweethearts na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, at kabilang sa gustong malaman ng kanilang supporters ay kung ano ang nasa Christmas wish list nila pareho.
Magkahalong biro at seryosong tugon ng 26-year-old na si Kobe, “Well, house and lot lang naman po ang gusto ko. Ha-ha-ha!
“Ano, hindi pa naman po. I just hope na makasama ko ang parents ko. I know my mom is busy in Europe, and my dad is busy with the side of his family.”
May sari-sariling pamilya na ang magulang nila ng kuya niyang si Andre na sina Jackie Forster at Benjie Paras.
“I just hope na makasama ko sila, but if not, I’ll be with Kyline and her family who’s very special to me,” patuloy ni Kobe.
Sagot naman ng 22-year-old Kapuso actress na si Kyline tungkol sa kanyang Christmas wish, “Ah, wish list? Wala po, e.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Actually, hindi po ako gumagawa ng list tuwing Pasko. Kung meron man pong magregalo o wala, it’s okay.
“Love and prayers na lang po,” nakangiti pang sambit ni Kyline.
Nabanggit ni Kobe na kung hindi nito makakasama ang sariling pamilya sa darating na Pasko ay baka kina Kyline na lang ito maki-Pasko. Ano ang masasabi rito ni Kyline?
Nakangiting tipid na sagot niya, “Opo! Wow!
“Nandiyan si Papa, o!” sabay turo ng aktres sa ama na hindi kalayuan ang kinaroroonan sa kanya. Tila pahiwatig na dapat humingi muna ng permiso mula rito kung puwedeng sa kanila nga mag-Pasko si Kobe.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kyline at Kobe sa giant Christmas tree lighting ceremony sa San Jose del Monte City, Bulacan, noong November 11, 2024. Inimbitahan sila nina Mayor Arthur Robes at Congresswoman Rida Robes bilang celebrity guests sa nasabing event.
Kobe Paras and Kyline Alcantara at the giant Christmas tree lighting ceremony held in San Juan del Monte, Bulacan. With them in the photo are Mayor Arthur Robes (far left) and Congresswoman Rida Robes (far right).
Photo/s: Glenn Regondola
christmas gift for each other
Isa pang gustong malaman ng fans nina Kyline at Kobe ay kung ano ng magiging Christmas gift nila sa isa’t isa.
Pabiro ulit sa sagot ni Kobe, “Kasasabi ko lang po na house and lot.
“Pero, kung hindi talaga kaya yun, okey lang ako sa kotse… ikaw?” sabay kantiyaw kay Kyline na tatawa-tawa sa tabi niya.
Biro rin ni Kyline, “Hayun, house, and lot din.” Sabay bawi, “Wala po. Wala. Hindi ko pa po iniisip.
“At kung meron man po, ba’t ko sasabihin sa kanya?”
Biglang singit naman ng basketball player, “Ay actually, ang gusto ko sana ay magluto si Ky para sa akin.”
Ky ang palayaw ni Kyline.
“Pero kung ayaw, mag-Grab [food] na lang kami, o kung di, Food Panda.”
Singit din ni Ky, “Give love.”
What are their Christmas gifts for each other? Kobe Paras and Kyline Alcantara have almost the same answers.
Photo/s: Glenn Regondola
how did kyline and kobe meet?
Kahit marami nang kinikilig at tanggap na ang espesyal na relasyon nila, marami pa rin ang curious kung paano ba talaga nagkakilala sina Kyline at Kobe.
“Naku, yan po muna ang sikreto namin!” sagot ni Kyline tungkol dito nang usisain.
Nagbigay naman ng pabirong sagot si Kobe, “Sabihin mo, pumunta ako sa space, pumunta ako sa bahay ng mga alien, nakita ko siya.
“Sa TikTok, andun lahat ng sagot, at saka sa YouTube,” pagtukoy ni Kobe sa marami na ring TikTok at YouTube content na may iba’t ibang versions kung paano sila nagkakilala at nagkamabutihan ni Kyline.
Mga video na gawa ng parehong fans at bashers nila.
Kontra ni Ky sa sinabi ni Kobe, “Ah, hindi po. Sila lang po ang gumagawa ng istorya namin.
“Yun na lang muna,” sabay tawa ng dalaga.
News
Marcos Unfazed by ‘It’s Showtime’ Contestant’s Shocking Ignorance of Comelec, Castro Responds!
Marcos ‘unbothered’ by ‘It’s Showtime’ contestant unaware of Comelec, Castro says This is from news selected image. President Ferdinand ”Bongbong”…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
Lindsay Custodio FACES CYBER LIBEL CASE Filed by Her Ex-Husband!
In a shocking turn of events, Lindsay Custodio, a known personality in the entertainment industry, is now facing a cyber…
Ice Seguerra REVEALS the Actor Who Was the Sperm Cell Donor for Their IVF Baby with Liza Dino!
In a heartfelt and candid revelation, singer and actor Ice Seguerra has finally shared the details about the sperm cell…
PBBM Responds to Question on Who Should Be Held Responsible for the Collapsing Bridge in Isabela
PBBM Sinagot Ang Tanong Kung Sino Ang Dapat Managot Sa Gumuhong Tulay Sa Isabela Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr….
Sunshine Cruz Nagulat Sa Regalo Ng Dating Asawa Na Si Cesar Montano!
Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa regalong natanggap niya mula sa kanyang dating asawa na si…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply