Kim Chiu May Nakakakilig Na Mensahe Para Kay Paulo Avelino Sa Birthday Nito
Kim Chiu, may nakakakilig na pagbati para kay Paulo Avelino sa kamakailang pagdiriwang ng kaarawan nito.
Tuwang-tuwa ang mga fans ng tamabalang Kim Chiu at Paulo Avelino matapos magbigay ang aktres ng nakakatouch na mensahe para sa kaarawan ng aktor.
Ipinagdiwang ng aktor na si Paulo Avelino ang kanyang ika-36 na kaarawan noong May 13, 2024.
Hindi kinalimutan ni Kim Chiu ang kaarawan ng kanyang co-star na si Paulo Avelino, sa Instagram account ng aktres, hindi lamang simpleng pagbati ang kanyang ginawa para rito.
Sa unang post ni Kim Chiu, ibinahagi niya ang isang larawan ng aktor kalakip ang kanyang pagbati para rito.
“Happy Birthday, Victor/BMC/Paulo.”
Matatandaan na ginampanan ni Paulo Avelino ang papel bilang Victor sa unang collaboration nila ni Kim Chiu sa seryeng Linlang. Ang initials naman na BMC ay ang karakter na ginampanan naman ng aktor sa ikalawang serye nila ni Kim Chiu na What’s Wrong With Secretary Kim?
Inulit pa ni Kim Chiu ang kanyang pagbati kay Paulo Avelino sa kasunod niyang post kung saan makikitang tila pagod ang aktor at may maliit lamang na ngiti sa labi.
Sa pagkakataong ito ay may mensahe na si Kim Chiu para kay Paulo Avelino kung saan sinabihan niya ang aktor na palaging ngumiti dahil mas nababagay umano ito sa kanya, may wink sign pa si Kim Chiu sa kanyang pagbati.
Ang ikatlong pagbati naman ni Kim Chiu sa aktor, ay ang pagbabahagi ni Kim Chiu ng larawan nilang dalawa suot ang matching t-shirt mula sa The Eras Tour ni Taylor Swift.
“P birthday swiftie,” caption ni Kim Chiu na naka-mention pa si Paulo Avelino na tila tinutukso ito ng aktres sa pagiging isang fan ni Taylor Swift.
Maging ang mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ay bumati rin sa aktor.
Samantala, marami naman ang kinilig sa pabati ni Kim Chiu sa kanyang leading man na si Paulo Avelino, marami ang nagsasabing nagkakamabutihan na talaga ang dalawa.
Kumakalat rin ngayon ang ilang mga behind the scenes sa seryeng pinagsasamahan ngayon ni Paulo Avelino at Kim Chiu kung saan makikitang nagsi-share minsan sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa iisang tumbler.
Kaagad namang pinasalamatan ni Paulo Avelino ang lahat ng mga netizens at fans na hindi nakalimutan ang kanyang kaarawan.
News
ATONG ANG REVOKES SUNSHINE CRUZ’S JEWELRIES! IS A REUNION WITH GRETCHEN BARRETTO POSSIBLE? THE TRUTH REVEALED!
In a shocking twist, Atong Ang has allegedly revoked the valuable jewelry he gifted to Sunshine Cruz, sparking rumors of…
LTO BOHOL REMOVED FROM SERVICE! STAFF IN TEARS AFTER RAFFY TULFO’S OUTRAGE!
In a shocking development that has taken the public by surprise, LTO Bohol has been removed from service after a…
KIMPAU FULL INTERVIEW AT THE AIRPORT: Kim Chiu and Paulo Avelino Travel TOGETHER to Los Angeles! (VIDEO)
In an exclusive moment that has left fans buzzing, the much-awaited KimPau (Kim Chiu and Paulo Avelino) duo was spotted…
SHOCKING: Andi Eigenmann Returns to Her Mother Jaclyn Jose’s House, and This is What She Did as Soon as She Arrived!
Andi Eigenmann, the well-loved actress, made a surprising return to her mother Jaclyn Jose’s house in Manila, bringing her two…
HIWALAY NA‼️ Sunshine Cruz MAY NAKAKAGULAT NA REBELASYON!! OMG!!
In a shocking and unexpected revelation, Sunshine Cruz has finally spoken out about the breakdown in her relationship. After months…
SHOCKING! After Rekindling with Daniel Padilla, Kathryn Bernardo Gets SCOLDED by Mommy Min!
In an unexpected twist, Kathryn Bernardo has once again made headlines after her reunion with longtime love, Daniel Padilla. However,…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply