Mark Leviste wishes Kris Aquino well; says he knows her boyfriend



Mark on Kris: “I would like to believe we are still friends.”
Mark Leviste says he knows Kris Aquino's surgeon boyfriend Michael Padlan
Mark Leviste (left and right) on Kris Aquino (left): “Maganda naman ang aming pinagsamahan and naniniwala ako na kami ay mananatiling magkaibigan.” Mark has been in a six-month relationship with (right photo) Aira Lopez.

PHOTO/S: Instagram / Aira Lopez TikTok

Siniguro ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na maayos ang naging paghihiwalay nila ng ex-girfriend na si Kris Aquino.

On and off ang itinakbo ng relasyon ng dalawa.

Noong July 2024, kinumpirma ng former TV host na hiwalay na sila ng vice governor.

Inilahad din ni Kris na may bago siyang dine-date na isang doktor sa Makati Medical Center. Nakilala ito bilang si Dr. Michael Padlan, isang surgeon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Barako Fest 2025, na ginanap sa Bypass Road, Lipa City, Batangas, noong February 13, 2025.

“We were civil and maayos naman,” saad ni Mark tungkol kay Kris.

“We are friends and will be friends, and I would like to believe we are still friends.

“Maganda naman ang aming pinagsamahan and naniniwala ako na kami ay mananatiling magkaibigan.”

mark leviste’s birthday wish for kris aquino

Sa pagbabalik sa bansa ni Kris, masaya si Mark na makakasama na nito ang mga kapamilya at mga kaibigan.

“I’m happy that she is closer to her family and close friends.

“Pero kahit naman nasa abroad siya, hindi naging hadlang upang siya ay bisitahin ng kanyang mga kapatid at mga kaibigan na malapit sa kanya.

“Now it’s closer and more practical,” sabi niya.

Mayroon ba siyang sama ng loob kay Kris?

“Ay, wala,” pagtanggi ni Mark.

Sabi rin niya, “Maayos? Yes, we’re civil.”

Sa kaarawan ni Kris kahapon, February 14, ang hiling ni Mark ay ang agarang paggaling nito.

Halos tatlong taon na ring nakikipaglaban si Kris sa kanyang autoimmune diseases.

“I wish and pray for her speedy recovery and hope for good health, happiness, and harmony for Kris, her sons, and family.

“Siyempre lagi kong sinasama sa aking panalangin ang kanyang agarang paggaling.”

mark leviste on kris’ boyfriend

Nahingan din ng PEP ng reaksiyon si Mark sa pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Kris.

Personal daw silang magkakilala ni Dr. Mike Padlan.

“Yeah, kilala ko si Dr. Mike, sometime in 2023, nung magkasama pa kami ni Kris.

“Pinaasikaso ako kay Dr. Mike para sumailalim sa isang executive check-up sa Makati Medical Center.

“Nakilala ko siya through Kris and nakilala ko siya nung nasa America kami.”

Dagdag ni Mark, “We’re all friends.”

mark leviste on relationship with aira lopez

Sa ngayon ay masaya na rin si Mark sa relasyon nito sa Sparkle artist at content creator na si Aira Lopez.

“From day one, we connected well. I felt the spark and I’m happy where I am right now,” saad ni Mark.

“We’re having fun. We’re having a happy and harmonious relationship these last six months going on seven.”

Nang tanungin namin sa kung ano ang balak niya para sa kanilang Valentine date, isang dinner sa Hong Kong ang sorpresa niya sa kasintahan.

“A dinner, I will be taking her out for dinner in Hong Kong, overnight lang, talagang for Valentine’s lang.

“After ng mga kasalang bayan, at mga Valentine’s na ganap dito sa Batangas, we’re flying in Hong Kong in time for dinner.

“In love na in love.”

At this writing, na-post na ni Aira sa kanyang TikTok account ang Valentine date nila ni Mark sa Hong Kong.

Si Mark ay kumakandidatong representative sa third district ng Batangas sa 2025 elections.