Ibinunyag ng komedyante at aktres na si Keanna Reeves na minsan siyang umiyak dahil kay John Prats sa kanyang pag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, Marso 17.

Source: Facebook
Ayon kay Keanna, nagkaroon siya ng pagtingin kay John habang nasa loob sila ng bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother. Nagsimula raw ang kanilang pagiging malapit bilang magkaibigan, ngunit naging kumplikado ang sitwasyon dahil may girlfriend na si John noong pumasok siya sa bahay.
“Naging best friend kami tapos may issue-issue sa loob. Kasi may girlfriend siya noong pagpasok. Tapos noong paglabas parang naghiwalay ata sila,” ani Keanna.
Inamin din ni Keanna na may pagkakataong naghalikan sila sa labi, ngunit nagreklamo si John kay Kuya na baka ma-misinterpret ito ng mga manonood. “Kasi nagki-kiss kami sa lips noon. Tapos nagreklamo siya kay Kuya na baka daw ma-misinterpret iyon sa labas. Tapos siya naman yung lapit ng lapit. Siya naman ‘yung kiss ng kiss,” dagdag pa niya.
Ang pinakanasaktan umano si Keanna ay nang ikumpara ni John ang kanyang halik sa isang ina na humahalik sa anak. “Kaya umiyak ako. ‘Kung nagrereklamo ka, bakit hindi mo sabihin sa akin? Bakit sinasabi mo pa kay Kuya na naiilang ka?’” ani Keanna.
Sa kabila ng insidente, naayos din ang kanilang relasyon at naging mas malapit na magkaibigan matapos lumabas ng bahay ni Kuya.
Si Keanna Reeves ay isang Filipina actress at komedyante na sumikat matapos manalo sa reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1 noong 2006. Kilala siya sa kanyang prangkang personalidad at matapang na pagharap sa mga kontrobersya sa showbiz. Bukod sa pagiging artista, naging bukas din siya tungkol sa kanyang personal na buhay, kabilang na ang kanyang mga karanasan sa pag-ibig at mga pagsubok sa buhay.
Matatandaang nagbahagi ng kanyang opinyon si Keanna kaugnay sa naging pahayag ni Jennylyn Mercado. Ito ay ang paglabas ng opinyon ni Jennylyn tungkol sa ilang isyung panlipunan kagaya na lamang ng iniimbistigahang anomalya umano sa PhilHealth. Sinagot ito ni Arnel Ignacio at pinayuhan si Jennylyn tungkol sa kanyang pagsasalita sa mga isyung makaapekto raw sa magandang career ng aktres. Umani ng samu’t saring reaksiyon ang paghahayag ng opinyon ni Keanna kaugnay sa isyu.
Naging usap-usapan rin ang panayam ni Morly Alinio kay Keanna. Dito ay inamin ni Keanna ang mga panandaliang mga relasyon niya sa ilang personalidad. Inamin niya rin na mayroong ilan na minahal niya at karamihan sa kanila ay parang dumaan lang sa kanyang buhay. Nabanggit niya rin na ang kanyang pinakahuling relasyon ay sa isang aktor na nasa pangangalaga ng Star Magic at nagsisimula sa F ang pangalan nito.
News
Shocking Revelation: Why Ronaldo Valdez’s Wife Was Absent at His Wake! Are They Separated or Not?
A shocking turn of events has left fans and the public wondering about the status of Ronaldo Valdez’s marriage after…
SHOCKING! Mga Artista Nagsuntukan! Robin Padilla vs. Richard Gomez – What Happened Behind the Scenes?
In a jaw-dropping revelation, two of the Philippines’ biggest stars, Robin Padilla and Richard Gomez, have reportedly had a physical…
Andi: Si Philmar, ang probinsiyano, mas old school, mas feel mong special
Andi Eigenmann ug Philmar Alipayo kuyog ang ilang mga anak na sila si Lilo ug Koa Alipayo Kataw-anan kaayo ang…
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Malabo Nang Magkabalikan, Kathryn May Bago Nang Jowa
Mahigit isang taon matapos ang paghihiwalay nila ni Daniel Padilla, may bagong pag-ibig na raw si Kathryn Bernardo. Ito…
Albert Martinez at ang Tahimik na Sakripisyo para kay Amalia Fuentes – Ang Lihim na Kwento na Ibinunyag ni Aga Muhlach …
Fans have not forgotten the deep friendship and affection between Albert Martinez and the late actress Amalia Fuentes. Her passing…
NAKAGUGULAT! Mark Anthony Fernandez VIRAL MATAPOS GUMAWA NG MASELANG VIDEO AT GUMAMIT NG PINAGBABAWAL NA GAMOT!
Isang bomba ang sumabog sa mundo ng showbiz nang mag-viral ang video ni Mark Anthony Fernandez na tila nagdulot ng…
End of content
No more pages to load