Anak ni Pokwang na si Mae, sinabing nais siyang palayasin noon ni Lee O’Brian nang mabuntis siya
Sinabi ni Mae na nagalit siya kay Lee O’Brian, na dating partner ng kaniyang ina na si Pokwang, dahil sa ginawang pananakit umano nito sa aktres. Gusto rin daw siyang palayasin ni Lee nang bigla siyang mabuntis noong 2020 na panahon ng pandemic.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, bisita sa programa ang mag-ina. Inihayag ng aktres ang paghingi niya ng paumanhin dahil nadamay sa gusot ng pakikipagrelasyon niya kay Lee ang kaniyang anak na si Mae.
Ayon kay Mae, nakagalit siya kay Lee dahil hindi ito tumupad sa usapan nila na hindi nito sasaktan ang kaniyang ina.“I told him, ‘Ingatan mo ‘yung mama ko kasi for 21 years, kaming dalawa lang.’ Wala kaming ibang kasama sa buhay, so ang gusto ko lang, ingatan niya sa mama at huwag niyang sasaktan,” saad ni Mae.
Nangako naman umano si Lee na hindi nito sasaktan si Pokwang pero hindi nito tinupad ang pangako.
“Pero in the end he broke his promise,” ayon kay Mae.
Gusto rin daw siyang paalis ni Lee sa bahay nang mabuntis siya noong 2020.
“Nagulat po ako na gusto akong palayasin ng ex niya sa house cause I got pregnant without getting married. He wanted me out of the house, and I don’t know why,” ani Mae.
“Tsaka between me and him, parang ako ‘yung mas may karapatan na nasa bahay, hindi siya. Kung tutuusin,” paliwanag pa niya.
Sa naturang episode, inamin ni Pokwang na lola na siya sa anak ni Mae na apat na taong gulang na.
Sa isang vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni Pokwang na sinasaktan siya ni Lee.
Hunyo 2022 nang aminin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee.
Noong December 2023, nanalo si Pokwang sa deportation case na inihain niya kay Lee, at napaalis ito sa bansa noong nakaraang Abril.
News
Marcos Unfazed by ‘It’s Showtime’ Contestant’s Shocking Ignorance of Comelec, Castro Responds!
Marcos ‘unbothered’ by ‘It’s Showtime’ contestant unaware of Comelec, Castro says This is from news selected image. President Ferdinand ”Bongbong”…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
Lindsay Custodio FACES CYBER LIBEL CASE Filed by Her Ex-Husband!
In a shocking turn of events, Lindsay Custodio, a known personality in the entertainment industry, is now facing a cyber…
Ice Seguerra REVEALS the Actor Who Was the Sperm Cell Donor for Their IVF Baby with Liza Dino!
In a heartfelt and candid revelation, singer and actor Ice Seguerra has finally shared the details about the sperm cell…
PBBM Responds to Question on Who Should Be Held Responsible for the Collapsing Bridge in Isabela
PBBM Sinagot Ang Tanong Kung Sino Ang Dapat Managot Sa Gumuhong Tulay Sa Isabela Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr….
Sunshine Cruz Nagulat Sa Regalo Ng Dating Asawa Na Si Cesar Montano!
Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa regalong natanggap niya mula sa kanyang dating asawa na si…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply