Gov’t official huli ni misis na may kabit na aktres

 



Isang opisyal ng gobyerno ang nasundan at nahuli umano ng kanyang asawa, na isa ring politiko, nang pumunta sa bahay ng kanyang kabit na aktres.

Sa kanyang Instagram post nitong March 5, ibinahagi ni Arnold Clavio ang report ng Quezon City Police District Pasong Putik Police Station tungkol sa umano’y kaso ng concubinage na ini-report ng babae laban sa kanyang asawa.

“Sino itong opisyal ng gobyerno ang nasundan at nahuli ng Misis niya na politiko rin naging pumunta sa bahay ng kanyang umano’y kulasisi na aktres,” saad ni Clavio sa post.

“Humiling na ang istasyon ng pulis sa homeowners ng exclusive subdivision ng kopya ng cctv para sa dagdag na ebidensiya. Minsan na umanong nakita si Mr. Politiko na puro kalmot sa mukha ng minsan ay dumalo sa isang pagtitipon. Madalas din ang away ng dalawang politiko,” dagdag pa niya.

Ayon sa ilang ulat, talent umano ng isang major TV network ang nasabing aktres.