Gretchen Barretto calls niece Claudia Barretto “ungrateful child”



Tinawag ni Gretchen Barretto na “ungrateful child” ang pamangkin niyang si Claudia Barretto.

Si Claudia, 17, ang pangalawa sa tatlong anak ng dating mag-asawang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Kapatid niya ang Kapamilya young actress na si Julia Barretto.

Si Gretchen ay nakatatandang kapatid naman ng ina nina Julia at Claudia na si Marjorie.

Ang masakit na salita ni Gretchen laban sa pamangkin ay tila nagbunsod sa sagot ni Claudia sa isang presscon tungkol sa posibleng pagkukumpara sa kanilang mag-tita pagdating sa pagkanta.

THE INTERVIEW. Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng press conference para sa launch ng debut single ni Claudia sa Universal Records, ang “Stay.”

Sa nasabing launch, natanong ang aspiring singer kung handa na ba siyang makumpara sa kanyang Tita Gretchen, na nagkaroon na rin ng music album noon.

Sagot ng dalaga: “I think we’re very different naman, like our songs and our voice. I think it’s different.

“I don’t mind. I mean it’s nice to know that someone else actually sings…”

Mapapanood ang nasabing interview ni Claudia sa YouTube video na in-upload ni Chikkaness Ave.

GRETCHEN REACTS. Ngayong Biyernes ng umaga, June 23, isang netizen (@unlovegf) ang nagtanong kay Gretchen sa Instagram kung napanood ba niya ang interview ni Claudia, kung saan tinukoy siya nitong “someone else.”

Sa kanyang sagot, pinatutsadahan ni Gretchen ang pamangkin niya kay Marjorie.

Ipinaalala ni Gretchen na siya ang nagbigay ng tahanan at nagbigay ng kumportableng buhay sa kanilang mag-anak sa loob ng ilang taon.

Ngunit natigil lamang daw ito nang inako ng kapatid na si Claudine Barretto at ni Recom Echiverri ang responsibilidad mula sa kanya.

Si Recom Echiverri ang dating mayor ng Caloocan City na diumano’y kinakasama ngayon ni Marjorie.

Pahayag ni Gretchen: “the someone else (me) that Claudia is referring to happen to give her a safe home for a few good years until her tita Claudine took over (put her to school) gave her a comfortable life until (RECOM ECHIVERRIE CAME ALONG & sends her to school & nice home. I pray that Claudia will not call Recom Echiverrie someone else someday.”

Sa sumunod na IG post ni Gretchen, muling inulit ng netizen ang pagtatanong kay Gretchen tungkol sa naging pahayag ng pamangkin sa interview.


Sinagot muli ito ni Gretchen.

Aniya, tila may “AMNESIA” ang pamangkin at tinawag din niya itong “UNGRATEFUL CHILD.”

NETIZENS REACT. Magkakahalo naman ang reaksiyon ng netizens sa naging pahayag ni Gretchen.

May mga kumampi kay Gretchen at binuweltahan si Claudia, gaya ng pagtawag dito ng walang utang na loob.



May ilang netizens naman ang nagsabing posibleng na-misinterpret lang si Claudia; bata pa raw ito at hindi sanay sa interviews.

Mayroon ding mga umawat at nagsabing huwag nang gatungan kung ano pa ang namumuong galit sa pamilya.