Umano’y hiwalayan nina Angel Locsin at Neil Arce, dahilan daw ng pananahimik ng aktres?

Posted by

Napansin ng maraming fans ni Angel Locsin ang mahigit tatlong buwan nang pananahimik ng Kapamilya actress sa social media, dahilan para ilang intriga na ang naging usap-usapan online.

Ito ang isa sa mga mainit na chika ni Ogie Diaz, Mama Loi at Mrena sa kanilang YouTube segment nitong Sabado.

Kung papansinin kasi, Agosto 13 pa huling naispatan ang aktres sa Instagram. Bumuhos na rin ang tila paghahanap na ng fans kay Angel sa ilang IG post nito dahil sa patuloy nga nitong no-show.

Anang hosts, kaliwa’t kanang isyu na raw ang nabuo ng ilang netizens dahil sa inactive na online activities ni Angel.

Kabilang dito ang umano’y hiwalayan niya sa kaniyang asawa na si Neil Arce, ang umano’y pagpapapayat ng aktres, pagdadalang-tao na raw nito, at ang umano’y pagbabalik nito sa wakas sa Kapuso Network.

Lalo pa umanong naging matunog ang mga espekulasyon matapos hindi makita ng publiko si Angel nitong nagdaang pananalanta ni Bagyong Paeng sa bansa.

Matatandaang kilala sa kaniyang humanitarian operations tuwing may sakuna ang aktres.

“Pinili na muna ni Angel na talaga um-absent sa social media,” pagbabahagi ni Ogie at idinagdag na tila gusto pa ngang habaan ng aktres ang kaniyang pamamahinga sa online world.

Gayunpaman, posibilidad pa rin umano na maaaring bigla na lang sumulpot sa TV ang premyadang aktres.

Paglilinaw naman ni Ogie na malapit na kaibigan ng aktres, hindi rin totoo ang mga espekulasyon na buntis na si Angel. Fake news din umano ang ilang chika na babalik na sa Kapuso Network si ang aktres.

Sinusubukan naman umano ni Angel ang pag-achieve sa fit na pangangatawan.

Sunod namang tinanong ni Mama Loi ang umano’y hiwalayan na nga raw ng aktres sa asawang si Neil.

“Hindi sila hiwalay ni Neil. They are very much together,” pagbasag ni Ogie sa intriga.

Ang teyorya pa ng host, maaaring kahilingan din umano ni Angel sa asawa na hindi muna mahagip sa anumang online activities nito.

Sa katunayan, nasa pangangalaga umano ng mag-asawa ang 95-anyos na daddy ni Angel.

“Siya’y [Angel] nagpapahinga lamang po,” muling paglilinaw ni Ogie na aniya’y deserved naman ng aktres.

Sa pag-uulat, wala pang reaksyon sa mga intriga ang mag-asawa.

 

News

Marcos Unfazed by ‘It’s Showtime’ Contestant’s Shocking Ignorance of Comelec, Castro Responds!

Marcos ‘unbothered’ by ‘It’s Showtime’ contestant unaware of Comelec, Castro says This is from news selected image. President Ferdinand ”Bongbong”…

JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!

In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…

Lindsay Custodio FACES CYBER LIBEL CASE Filed by Her Ex-Husband! 

In a shocking turn of events, Lindsay Custodio, a known personality in the entertainment industry, is now facing a cyber…

Ice Seguerra REVEALS the Actor Who Was the Sperm Cell Donor for Their IVF Baby with Liza Dino!

In a heartfelt and candid revelation, singer and actor Ice Seguerra has finally shared the details about the sperm cell…

PBBM Responds to Question on Who Should Be Held Responsible for the Collapsing Bridge in Isabela

PBBM Sinagot Ang Tanong Kung Sino Ang Dapat Managot Sa Gumuhong Tulay Sa Isabela Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr….

Sunshine Cruz Nagulat Sa Regalo Ng Dating Asawa Na Si Cesar Montano!

Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa regalong natanggap niya mula sa kanyang dating asawa na si…

End of content

No more pages to load

Next page