Kim Chiu insists na hindi siya pabor sa cheating dahil na-cheat na rin siya
Photos: @chinitaprincess / screengrab ABS-CBN Entertainment YT
Kim Chiu reiterates her stand on cheaters: “Gusto ko lang sabihin sa lahat at linawin na hindi po ako pabor sa cheating at never po talaga ’kong magiging pabor do’n dahil naging biktima rin naman po ako and it was not easy and it was very painful.”
Hindi pinalampas ni Kim Chiu ang pagkakataong maipaliwanag nang maayos ang stand niya about “cheating” during the September 22 live episode ng It’s Showtime, kung saan isa siya sa mga co-hosts.
Prior to that, nag-trending kasi ang actress-TV host dahil sa naging pahayag niya about “cheating” during the ‘Reina ng Tahanan’ segment, kung saan naging topic ito.
Ang pahayag ni Kim went: “Baka mag-chi-cheat kung hindi siya naging masaya. Baka bubukas ‘yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya,”
Agad siyang sinalag ni Vice Ganda at sinabing anuman ang estado ng emosyon ng isang tao ay hindi pa rin iyon lisensya para mang-betray ng karelasyon.
“Masaya ka o hindi, Hindi dapat maabswelto kung nanloko,” ani Vice kay Kim.
Sinang-ayunan din naman ni Kim ang sinabi ni Vice.
“Yeah, that’s bad,” say ni Kim.
Pero after that episode, nag-trending na si Kim dahil na-misinterpret ng mga manonood at netizens ang remarks ni Kim. Tingin nila ay kayang unawain ni Kim ang “cheating” depende sa sitwasyon ng cheater.
Kaya naman nang makakuha ng pagkakataon, nagpaliwanag muli si Kim ng side niya at sinabing siya rin naman daw na-biktima na rin ng cheating at masakit nga daw ito.
“Isisingit ko lang talaga ‘to,” panimula ni Kim sa It’s Showtime noong Miyerkules. “Noong isang araw kasi, hindi ako nabigyan ng chance to explain further ’yung sinabi ko.
“Gusto ko lang sabihin sa lahat at linawin na hindi po ako pabor sa cheating at never po talaga ’kong magiging pabor do’n dahil naging biktima rin naman po ako and it was not easy and it was very painful.”
Dagdag pa niya: “Mahabang talakayan kasi ang cheating at hindi ’yun matatapos ng isang salita.
“Two hours, five hours…p’wede ngang one week n’yong pag-usapan ’yun. Pero again, [as] Kim Chiu, I am not in favor of cheating and I will never be in favor of that.”
“S’yempre wala naman may gustong masaktan or walang may gustong niloko ka.”
Nang sabihin ng mga co-hosts ng It’s Showtime na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz na dapat, ang hanapin talaga ni Kim ay isang loyal na lalaki.
Bigla niyang binati ang boyfriend na si Xian Lim sa ere na ang pahiwatig ay nakita na niya ang “loyal na lalaki” na iyon.
Pagkatapos ay idinugtong pa ni Kim na: “At saka ano lang, love, love, love, respect, respect, respect. Let’s spread love and happiness.”
News
Marcos Unfazed by ‘It’s Showtime’ Contestant’s Shocking Ignorance of Comelec, Castro Responds!
Marcos ‘unbothered’ by ‘It’s Showtime’ contestant unaware of Comelec, Castro says This is from news selected image. President Ferdinand ”Bongbong”…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
Lindsay Custodio FACES CYBER LIBEL CASE Filed by Her Ex-Husband!
In a shocking turn of events, Lindsay Custodio, a known personality in the entertainment industry, is now facing a cyber…
Ice Seguerra REVEALS the Actor Who Was the Sperm Cell Donor for Their IVF Baby with Liza Dino!
In a heartfelt and candid revelation, singer and actor Ice Seguerra has finally shared the details about the sperm cell…
PBBM Responds to Question on Who Should Be Held Responsible for the Collapsing Bridge in Isabela
PBBM Sinagot Ang Tanong Kung Sino Ang Dapat Managot Sa Gumuhong Tulay Sa Isabela Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr….
Sunshine Cruz Nagulat Sa Regalo Ng Dating Asawa Na Si Cesar Montano!
Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa regalong natanggap niya mula sa kanyang dating asawa na si…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply