Vilma Santos, aminadong buhay pa rin ang rivalry nila ni Nora Aunor
Vilma Santos, ipinagdasal si Nora Aunor nang magkasakit ang Superstar.
Vilma Santos (left) on Nora Aunor (right): “Kahit sabihin mong may rivalry, iba pa rin yung naging kumare ko rin siya. And sincerely, I really did pray for her.”Ngayong nagbabalik-showbiz si Vilma Santos, hindi maiwasang naikukumpara na naman at ikinukumpitensiya sa mahigpit niyang karibal na si Nora Aunor.
Sa press launch ng bago niyang endorsement na Angkas nung Lunes, February 27, 2023, hiningan ng opinyon si Ate Visa iginawad na parangal sa Superstar bilang National Artist.
Umaasa ba siyang igagawad din sa kanya ang naturang parangal?
Saad ni Ate Vi, “If it’s for you, it’s meant for you. Pag hindi napunta sa yo, it’s not meant for you. So, dun sa hindi nabigyan, it’s not meant for them.
“Like yung kay Ate Guy. So, kung meron akong space diyan, darating ang panahon na yun para sa akin na yun.”
Tanggap ng Star for All Seasons na hindi pa rin nawawala ang pagtatapat sa kanila ni Ate Guy, pero mas nananaig daw sa kanya ang kanilang pinagsamahan at pagkakaibigan.
Sa katunayan, nung nabalitaan niyang dumaan sa matinding karamdaman si Ate Guy, pinag-isipan niyang dalawin ito.
“Kahit sabihin mong may mga ganyang rivalry, I mean, she’s still a friend.
“In fact, there was a time na sana paplanuhin ko na dumalaw, just to check on her. Pero I think, she’s getting better and I am happy for that.
“Sa totoo lang, I prayed for her. Kahit sabihin mong may rivalry, iba pa rin yung naging kumare ko rin siya.
“And sincerely, I really did pray for her,” seryosong pahayag ni Ate Vi.
Iba pa rin daw ang samahan nilang mga senior stars dahil napanatili ang magandang friendship nila.
Natawa siya bigla nang tinanong sa kanya nang biglang pinag-TikTok siya sa nakaraang Valentine concert nina Christopher de Leon, Tirso Cruz III, at Edgar Mortiz.
“Kasi ito namang tatlong ito, like si Direk Bobot, si Pipo… si Tirso Cruz, si Yetbo… si Christopher de Leon, they’re really my friends.
“That’s why nung nagkaroon sila ng concert, talagang I made sure na to be there. Hindi ko naman alam na bigla pala akong yayayain sa stage.
“Sinabihan ko na nung una na huwag na, ‘Huwag niyo akong tawagin sa stage, lagot kayo sa akin!’“Tinawag din ako, kaya pinagsusuntok ko nga si Yetbo. Pinag-TikTok ako. Grabe! Pero enjoy ako sa kanila. They’re my friends talaga. True friends!” natatawang pahayag ni VilmaNgayong magsasama sila uli ni Christopher de Leon sa isang pelikula, bukas din daw siya sa posibilidad na makasama uli ang mga kapanabayan niya noon
Magsasama-sama sina Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose, at Bembol Roco sa pelikulang Pieta na pagbibidahan din ni Alfred Vargas.
“I don’t mind working again with our senior stars. Like yan sina Bembol… sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, si Amy Austria, ano, e… excited ako.
“But at the end of the day, ang hahanapin ko pa rin is yung perfect script.
Kasi, hindi na biro yung edad namin ngayon. Alam mo yung ibig kong sabihin? Hindi na ito yung pa-cute noon, e.
“Ang kailangan sa edad namin ngayon, naghahanap na ng good project. Hindi ba? Para maging interesado naman sa audience.
“Hindi ganun kadali, pero pag meron, I’ll grab it,” saad ni Ate Vi.
Isa sa balak pa ni Vilma ay makagawa sana siya ng pelikulang tumatalakay sa buhay ng isang Muslim.
“Gusto ko makagawa ng isang Muslim movie. Yung kultura nila, ilalatag mo. Parang yun ang isa kong gusto kong magawa… na gagawin ko yung kultura ng mga Muslim. Parang may excitement ako dun.”
Umaasa pa rin ako na sana, magsama ulit sa pelikula sina Ate Guy at Ate Vi. At sana magkaroon na rin ng pelikula sina Ate Vi at Shawie (Sharon Cuneta), pati na sina Ate Vi at Juday (Judy Ann Santos).
Sila na lang ang natitirang celebrated major movie queens — kaya event ang magkasama-sama sila sa isang proyekto!
News
Marcos Unfazed by ‘It’s Showtime’ Contestant’s Shocking Ignorance of Comelec, Castro Responds!
Marcos ‘unbothered’ by ‘It’s Showtime’ contestant unaware of Comelec, Castro says This is from news selected image. President Ferdinand ”Bongbong”…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
Lindsay Custodio FACES CYBER LIBEL CASE Filed by Her Ex-Husband!
In a shocking turn of events, Lindsay Custodio, a known personality in the entertainment industry, is now facing a cyber…
Ice Seguerra REVEALS the Actor Who Was the Sperm Cell Donor for Their IVF Baby with Liza Dino!
In a heartfelt and candid revelation, singer and actor Ice Seguerra has finally shared the details about the sperm cell…
PBBM Responds to Question on Who Should Be Held Responsible for the Collapsing Bridge in Isabela
PBBM Sinagot Ang Tanong Kung Sino Ang Dapat Managot Sa Gumuhong Tulay Sa Isabela Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr….
Sunshine Cruz Nagulat Sa Regalo Ng Dating Asawa Na Si Cesar Montano!
Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Sunshine Cruz sa regalong natanggap niya mula sa kanyang dating asawa na si…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply