daniel padilla zanjoe marudo nang mapagod si kamatayan

Nagsimula nang mag-shoot si Zanjoe Marudo ng pelikula niyang How To Get Away With My Toxic Family under Ogie D Productions.

Sa story conference ng How To Get Away With My Toxic Family ay nalaman naming nauna pa ito sa film project nina Zanjoe at Daniel Padilla, ang Nang Mapagod si Kamatayan.

Nagpa-story conference na sila noon, at ang buong akala ng iba ay nagsimula na silang mag-shoot, pero hindi pa pala.

Nalaman namin kay Zanjoe na hindi pa sila nagsimulang mag-shoot ng Nang Mapagod si Kamatayan.

Na-prioritize muna ni Daniel ang teleseryeng Incognito at si Zanjoe naman ay nagka-baby na kay Ria Atayde, at ngayon ay may sinimulan na siyang pelikula.

Lahad ni Zanjoe: “Actually, magsisimula na dapat talaga kami nun kaya lang hindi na namin nasimulan. Pero nandun na, mag-shoot na kami ng day one.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ang nangyari lang kasi, nag-usap kaming mabuti ni Daniel at saka ng production, dahil napakaganda ng concept.

“Galing ito sa istorya ni Ricky Lee sa pambatang libro ni Ricky Lee, napakaganda niya. Napakahirap din naman isulat.

“Kasi, parang, di ba? Saan ka nakakita ng istorya na si kamatayan at ang tao mag-best friend, saka napakahirap niyang isulat ay maging believable sa tao.

“So yun, inaayos pa rin at tuloy na tuloy pa rin yan, pinaano muna namin para hindi siya… alam mo yun, walang pressure, hindi magmadali para mabigyan ng time, para mas masulat na pulido.

“Kasi, minsan lang naman kami magkatrabaho ni DJ. Sayang naman kung hindi naman namin talaga todo seryosohin at matindi na malupit yung istorya.”

nang mapagod si kamatayan

(From left) Zanjoe Marudo, Ricky Lee, Dan Villegas, and Zanjoe Marudo
Photo/s: Star Cinema

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, matuloy ito para tuluy-tuloy rin ang pag-alagwa ng showbiz career ni Daniel pagkatapos nilang maghiwalay ni Kathryn Bernardo.

Mas bumongga pa kasi ngayon si Kathryn ngayong may KathDen na at wala nang KathNiel.

Inaasahang makakabawi si Daniel sa serye niyang Incognito, at mas maganda kung masundan ng isang magandang pelikula.

On its second week na sa local cinemas ang KathDen reunion movie na Hello, Love, Again (HLA).

Rumaratsada ang international screenings ng HLA. Showing na ito sa 181 sinehan sa 131 locations sa Middle East.

hello love again middle east

Nakaka-inspire para sa movie producers ang tagumpay ng HLA. Masaya tayo na more and more ang gumagawa ng pelikula.

Siyempre pa, sa tagumpay muli ng KathDen reunion movie, hopia at asado tayong may kasunod pa silang project na joint venture muli ng ABS-CBN at GMA.

Speaking of Daniel Padilla, positibo ang mga feedback na nakuha natin sa pagbibidahan niyang maaksyong teleserye, na nakatakdang mapanood umpisa Enero 2025.

Tama naman, after Hello, Love, Again, dapat ibang kuwento na ang susunod na project nina Kathryn at Alden — if ever pagsamahin ulit sila.

A teleserye would be a welcome suggestion really!

At least it can be a big hit, possibly bigger than the last that they starred in!

Abangan natin ang susunod na kabanata!!!