Maricel Soriano punches guy for catcalling Snooky Serna

Maricel Soriano: “In-uppercut ko talaga siya! O, di nakatikim talaga siya.”
Snooky Serna Maricel Soriano
Maricel Soriano recounts giving a guy an uppercut for catcalling Snooky Serna. “Sabi ko, ‘Wag mo kaming babastusin, ha! Naghahanapbuhay kami.’” 

Sinariwa nina Maricel Soriano at Snooky Serna ang isang pangyayari noong shooting ng pelikulang Schoolgirls, kung saan kasama nila si Dina Bonnevie.



Ang Schoolgirls ay ang 1982 movie ng Regal Films kung saan leading men nila sina Edu Manzano, Edgar Mande, at ang yumaong si Joel Alano.

Habang nagsu-shooting ng pelikula, may isang lalaking pinagtripan daw si Snooky.

Sabi ni Maricel, “Kay Kookie [Snooky] kasi parang alam mo yung niloloko kami.”

Ginaya ni Maricel ang tunog kapag nagtatawag ng aso.

Dugtong ng Diamond Star, “Ginagawa kaming aso. Naku, kinuha ko talaga yung isang lalaki, hinatak ko siyang ganyan…

“E, anlaki niya, e, hinatak ko siyang ganyan, in-uppercut ko talaga siya! O, di nakatikim talaga siya.

“Sabi ko, ‘Wag mo kaming babastusin, ha! Naghahanapbuhay kami.’”

snooky serna maricel soriano

Sinegundahan ito ni Snooky: “Nananahamik kami bigla ba naman akong ginawang aso.

“Actually, hindi nga si Maricel ang inaano noon. Di ba, ako?

“Siguro kasi akala kasi masyado bang sweetie-sweetie and everything, so merong [ginaya ni Snooky ang tunog sa pagtawag ng aso]…

“Hala, e, di, ginanun siya ni Diamond Star! Nanahimik siya.”

Hindi tinukoy nina Maricel at Snooky kung co-star nila ang naturang matangkad na lalaki.

Nagkuwento sina Maricel at Snooky sa YouTube vlog ni Snooky noong November 12, 2022.Read more about

Papuri ni Snooky sa kaibigang aktres: “Iyan ang personality, iyan ang character ng isang Maricel Soriano, palaban…

“At saka talagang ipagtatanggol niya ang mga kasama niya sa trabaho, mga mahal niya sa buhay.

“Ganyan si Maricel, ang tapang.”

Sundot ni Maricel sa pangyayaring iyon, “Ayoko namang babastusin tayo kasi hindi naman tayo kabastus-bastos na mga tao.”

MOTHER LILY’S “FLYING PHONE”

Samantala, pinatotohanan din nina Maricel at Snooky ang “lumilipad na telepono” ni Mother Lily Monteverde, ang film producer na nagmamay-ari ng Regal Films.

Nagkuwento ang dalawang seasoned actresses ukol sa pagiging karakter ni Mother Lily.

Tinanong muna sila kung ano ang nami-miss nila kay Mother Lily.

Sagot ni Maricel, “Yung mga tili ni Mother, yung mga ‘Oy, oy, oy! Asan na yung ano ko? Asan na? Labas niyo na!”

Dagdag ni Snooky, “Totoo. Tsaka yung ano niya, yung… censor, ‘no.

“Censorable ito… Alam niyo na, medyo mura-mura ni Mother.

“Nakaka-miss in the sense na kasi authentic, e… tsaka yung pagka-dual personality ni Mother, na one minute, ‘Ally, da-da-da!’ Galit na galit. O kaya sa akin, ‘O, Snooky, blah-blah-blah! Maricel, blah-blah-blah!’

“Tapos, mamayang konti naman, may kausap na siya sa telepono, [mahinahong boses ni Snooky] ‘Hello, yes? O, kamusta na?’”

Sundot ni Maricel, “Pero yung galit ni Mother, ganoon lang iyon. Pero loving naman si Mother talaga sa amin.”

Tinanong ang dalawa tungkol sa “flying phone” ni Mother Lily.

“Oo, totoo iyon,” mabilis na sagot ni Maricel.

CONTINUE READING BELOW ↓
Mga anak ni Willie Revillame nakihataw sa birthday party niya | PEP Hot Story

“Kasi, di ba, tatawag siya nang tatawag?

“Walang sumasagot. O, siyempre, magagalit ka nga naman…”

Dugtong ni Snooky, “So, frustration niya [nagmuwestra si Snooky ng paghagis].”

Sabi ng natatawang si Maricel, “Yun ang mga lumilipad. Sinasalo namin.”

snooky serna maricel soriano

Sina Maricel, Snooky, at Dina ay tinaguriang Regal Babies noong ‘80s.

Kabilang sila sa mga pinasikat nang todo dahil sa mga pelikula ng Regal Films.