Liza: “Kasi hindi ko maatim na why are people so mean…”

Liza Diño recalls intense bashing when she and Ice Seguerra came out as a couple
Liza Diño (left) opens up about the intense bashing she experienced on dating Ice Seguerra (right): “Grabe kasi yung pinagdaanan namin ni Ice pagdating sa bashing. Hindi siya biro. Alam mo yung tipong sana ma-rape ka, ganon yung sinasabi sa akin…”



PHOTO/S: Ice Seguerra Facebook

Tandang-tanda pa ni Liza Diño ang naranasan niyang diskriminasyon sa same-sex relationship nila ng asawa niyang si Ice Seguerra.

Ayon kay Liza, halos lahat na ng masasakit na salita ay ipinukol sa kanila, lalo na noong unang isinapubliko nila ang kanilang relasyon.

Ito rin daw ang unang pagkakataong pumatol siya sa bashers na kumukuwestiyon sa desisyon niyang makipagrelasyon kay Ice.

December 8, 2014 nang ikasal sina Ice at Liza sa Stones & Flowers Barn and Wedding Retreat sa Sunny Patch Lane, California.

January 8, 2015, isinagawa naman ang kanilang second wedding sa pamamagitan ng isang “symbolic ceremony” na ginanap sa Batangas.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Liza sa PEP Live nitong Martes, April 25, 2023, inilahad niya ang engkuwentro niya sa bashers.

Liza Diño recalls intense bashing when she and Ice Seguerra came out as a couple

Sabi ni Liza, “Ako yon, dati…yung bago pa lang kami ni Ice.

“Grabe kasi yung pinagdaanan namin ni Ice pagdating sa bashing.

“Hindi siya biro.”

Sa dami raw ng mga masasakit na salitang ibinato sa kanya, may ilan sa mga ito ang hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan.

Kuwento ni Liza, “Alam mo yung tipong, ‘Sana ma-rape ka.’ Ganon yung sinasabi sa akin para maging babae daw ako ulit.

“Kasi parang, di ba, alam nila na we were in LGBT relationship… I’m with Ice, he’s a transman.

“Actually, noon parang hindi pa niya alam na transman siya e, lesbian relationship yung label sa amin.

“Grabe, sobrang really bad words, like, ‘Sana ma-finger ka,’ ganon. Basta it’s really bad words.”

May iba rin naman daw netizens na panay ang padala sa kanila ni Ice ng “lahat na ng Bible quotes sa mundo.”

Balik-tanaw ni Liza, “Kumbaga, mayroong na-post na balita tungkol sa amin.

“Or isang halimbawa, [naispatan kami] na nagpunta kami ni Ice sa isang lugar or nagbakasyon kami… Oh my god, para siyang lecture na the Christ will ganito, ganyan.

“Lahat na ng bible verse binato sa amin.”

Maging ang mga siktretong paglabas daw nila noon ay hindi pinapalampas ng mga bashers.

LIZA ON HANDLING BASHERS

Aminado si Liza na nasasaktan at naaapektuhan siya sa mga masasakit na komento ng iba.

Hindi raw kasi niya maintindihan kung bakit naaatim ng bashers na magbitaw ng masasakit na salita sa kanila, lalo na’t wala naman daw silang ginagawang masama.

Saad ni Liza, “Si Ice talaga sinasabi niya sa akin, ‘Huwag mo na kasing basahin.’

“Tapos sabi ko naman, ‘Hindi, kasi hindi ko maatim na why are people so mean? How can these words come out from your mouth?’

“Para sa akin, hindi ko maarok kung bakit may mga ganung klaseng tao.

LIZA’S REALIZATION

Sa inis niya ay “iniisa-isa” raw niya ang pagsagot sa bashers noon.

Pero may isang leksyon na natutunan si Liza.

Aniya, “Na-realize ko na mas lalong lumalaki kapag sumasagot ka sa kanila.

“Kasi bina-validate mo yung existence nila.

“Parang ‘wow, sa dinami-rami at libo-libong nagmemessage, napansin niya ako. Nag-message siya sa akin, ginantihan niya ako, nagsalita siya.’

“Actually, they feel more powerful pag ganon, kasi nahanap mo siya at sinagot mo siya.

“Kaya simula non, natuto na ako na the best revenge against the basher is to not validate that they exist.

Dagdag pa niya, “Do not answer, do not engage.”