Philmar sa isyu nila ni Andi Eigenmann totoo po lahat yun



Kinumpirma ng surfer na si Philmar Alipayo ang isyu tungkol sa kanilang dalawa ni Andi Eigenmann na kumakalat sa social media.

Sa kanyang IG stories, dito ibinahagi ni Philmar na totoo ang lahat na mga nababasa ng netizens sa social media tungkol sa problema na kinakaharap nila ni Andi.

Ani Philmar : “Kon ono may galing ijo mga nabasahan koman tinood jaon. Waya nay tagoay kay mas malisod.”

Translation : “Kung ano man ang nababasa niyo..totoo po lahat ‘yun. wala ng dapat itago kasi mas lalong mahirap.”

Philmar at Andi, inunfollow ang isa’t-isa

Tila naging palaisipan rin sa mga netizens kung tuluyan na ba talagang naghiwalay sina Philmar at Andi matapos nilang inunfollow ang isa’t-isa sa Instagram.

Sunod-sunod rin ang mga IG stories o cyrptic posts ni Andi tungkol sa taong nagbabalat-kayo.

Aniya : “I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”

Couple tattoo ni Philmar at ng kanyang girl bestfriend dahilan ng hidwaan nila ni Andi

Sa mga sunod-sunod na pasabog ni Andi sa social media, dito na niya ibinahagi na ang dahilan sa pag-usok ng kanyang ilong at tenga ay ang couple tattoos nina Philmar at ng girl best friend nito na tinatawag ni Philmar na “lil sis”.

Ani Andi : “I AM FULLY AWARE THAT MY HUSBAND NEVER CHEATED ON ME WITH THIS GIRL… I AM ALWAYS AROUND WHEN THEY ARE TOGETHER.

“I POSTED BECAUSE THIS PERSON BETRAYED ME, ENCOURAGES MY HUSBAND TO BREAK UP W ME DURING EVERY FIGHT EVEN WHEN I ALSO TELL MY SIDE OF THE STORY TO HER.

“SHE DIDNT HONOR MY SIDE BY CHOOSING TO CELEBRATE HER AND MY HUSBANDS LOVE FOR EACHOTHER BECAUSE THE DAY AFTER OUR FIGHT SHE INSERTED HERSELF IN THE SITUATION BY ENCOURAGING HIM TO GO FOR A SPONTANEOUS LOVE COUPLE TATTOO TOGETHER.” pahayag ni Andi.

Mga masasakit na salita, nasalo ni Philmar Alipayo

Hindi na nakailag si Philmar at nakatanggap siya ng maraming batikos mula sa mga netizens dahil sa issue nila ngayon ng aktres-vlogger na si Andi.

Tinatawag siya ngayon ng mga netizens na “Pangit na nga Cheater pa”, kaya agad na naglabas ng kanyang pahayag si Philmar tungkol dito.

Aniya : “You all can call me a cheater and ugly now. Pero salamat sa mga tawo na no message sanan ka kilaya sa ako,”

Translation : “Pwede n’yo akong tawaging cheater at pangit ngayon ngunit salamat sa mga mensahe ng mga taong totoo na nakakakilala sa akin.”