Maris Racal, may comeback song na ‘Perpektong Tao’ matapos ang cheating issue



Hindi na po screenshots ang i-re-release, mga YesPren! Nitong January 16, matapos ang kaniyang isang buwang social media break, nagbalik-Facebook ang singer-actress na si Maris Racal. Inanunsyo niya ang kaniyang pagbabalik kasabay ng pag-anunsyo ng panibago niyang single na pinamagatang “Perpektong Tao.”

“Hi, FB. I’m back,” sabi niya. Pinaliwanag niya sa caption ang pinagdaanan niya nitong mga nakaraang linggo matapos ang cheating issue nila ni Anthony Jennings. “Writing this song healed me in ways I never thought possible. It was born from a journey through pain, regret, and the courage to seek forgiveness. [It is] a reminder that even in our darkest moments, we can find light. I’m sharing this with the world, hoping it resonates with those who need it most.”

Mapapakinggan na sa January 17 ang kanta niyang “Perpektong Tao.” Aabangan niyo ba ito, mga YesPren!