Jellie Aw’s friends reveal what they know about mauling incident
![The story behind Jellie Aw, Jam Ignacio mauling issue](https://contents.pep.ph/images2/images2/2025/02/13/jellie-aw-story-main-feb-13-1739416355.jpg)
Ilang mga kaibigan ng club disc jockey na si Jellie Aw ang nagkuwento kung ano ang nalalaman nila sa pag-aaway ni Jellie at ng fiancé nitong si Jam Ignacio na nauwi sa karahasan.
Kahapon, February 12, 2025, kumalat sa social media ang mga larawan ni Jellie na bugbog-sarado at duguan ang mukha.
Ayon mismo sa kanyang post sa social media, binugbog siya ni Jam.
Pinatotohanan din ito ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw.
Read: Jam Ignacio, Karla’s ex, accused of mauling fiancée Jellie Aw
jellie aw’s friends talk about the incident
Sa ulat ng News5 nitong Miyerkules ng gabi, ikinuwento ng ilang kaibigan ni Jellie ang istorya sa likod ng pananakit umano ni Jam kay Jellie.
Simpleng tampuhan lamang ang dahilan ng pag-aaway ng magkasintahan na nagsimula dahil sa isang kaibigan.
Bagamat hindi idinetalye ang pinag-ugatan ng pagtatalo nina Jellie at Jam, nauwi raw ito sa sagutan.
Hanggang sa nagdilim umano ang paningin ni Jam, na nakainom daw, at sinuntok nito si Jellie.
Sa sobrang galit daw ni Jam, binitbit nito ang fiancée at pilit na isinakay sa sasakyan at dinala sa Pampanga.
Ayon pa sa ulat, habang nasa biyahe ay patuloy raw na sinasaktan ni Jam si Jellie.
Lahad ni Diane Gonzales, kaibigan ni Jellie: “Nung nakainom na si Jam, siguro sa sobrang pikon niya po kay Jelly, pagdating daw po sa sasakyan, pinagsasapak na siya, binugbog na siya.
“Binugbog siya, talagang wala nang palag si Jellie.”
![jellie aw's friends](https://contents.pep.ph/images2/images2/2025/02/13/1739421138229-1739421203.jpg)
Mabuti na lamang daw at pagdating sa North Luzon Expressway (NLEX), hindi gumana ang RFID (Radio Frequency Identification) ng sasakyan ni Jam.
Dito na raw nakakita ng pagkakataon si Jellie upang humingi ng tulong.
Pagpapatuloy ni Diane, “Buti na lang po, nakahingi siya ng tulong.
“Pagdating sa toll gate, nagsisisigaw po si Jellie daw at nakahingi po siya ng tulong.
“Doon na po lumabas [ng sasakyan] si Jam Ignacio. Nagtatakbo na po siya.”
Dahil dito, nasaklolohan ng mga tauhan ng NLEX si Jellie hanggang sa makauwi ito ng Quezon City.
Si Jam naman daw ay tumakas na at hindi na nakita pa.
Ayon naman sa isa pang kaibigan ni Jellie na si Christian Tugado, bago ang insidente ay paulit-ulit na raw nag-aaway sina Jellie at Jam dahil sa mababaw na isyu.
![jellie aw's friends](https://contents.pep.ph/images2/images2/2025/02/13/1739421058122-1739421202.jpg)
Aniya, “Nag-a-advise kami sa kanila kasi medyo madalas sila mag-away.
“Tapos nagulat na lang kami na nangyari to. Maliit lang naman ata yung dahilan ng pinag-awayan.”
Nakipag-ugnayan na umano sa pulis si Jellie para sa posibleng pagsasampa ng pormal na reklamo laban kay Jam.
Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Jam at Jellie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang media entities.
Kaagad naming ilalathala sakaling magbigay na ang magkabilang-kampo ng pahayag.
News
Kaso ng Acts of Lasciviousness ni Sandro Muhlach Ibinasura; Kasong Rape, Uusad Pa Rin /LO
Kaso ng Acts of Lasciviousness ni Sandro Muhlach Ibinasura; Kasong Rape, Uusad Pa Rin Isang resulta ng balita ang lumabas…
FULL VIDEO: Krystal Reyes Shocks Fans with Surprise Wedding 💍 Former Child Star Marries Non-Showbiz Partner in an Unexpected Ceremony!
Krystal Reyes marries non-showbiz boyfriend Lawrence dela Cruz Krystal Reyes is now Mrs. Lawrence dela Cruz! Former child actress Krystal…
Dindo Balares shares good news about Kris Aquino /lo
Dindo Balares shares good news about Kris Aquino Fans and followers of actress and TV host Kris Aquino got excited…
Melai Cantiveros Reacts to Philmar Alipayo’s Heartfelt Valentine’s Video, Leaving Fans Surprised by Her Response! /lo
Melai Cantiveros Reacts to Philmar Alipayo’s Valentine’s Video Melai Cantiveros Shares Her Reaction to Philmar Alipayo’s Valentine’s Video MELAI CANTIVEROS…
DJ Jellie Aw Shares Shocking Details of What Jam Ignacio Did to Her, Leaving Fans Outraged by the Disturbing Revelation /lo
DJ Jellie Aw Details What Jam Ignacio Did To Her In an interview, DJ Jellie Aw narrates what happened. DJ…
Veteran Comedian Matutina Dies at 78 /lo
Veteran Comedian Matutina Dies at 78 Beloved Comedian Matutina Passes Away at 78 MATUTINA – Veteran comedian Matutina has passed…
End of content
No more pages to load