Kyline Alcantara, Kobe Paras to make “special announcement”

Nagkagulo ang mga tagahanga ni Kyline Alcantara at rumored boyfriend nitong si Kobe Paras dahil sa larawang ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account ngayong gabi ng Martes, September 24, 2024.
Sa post ni Kyline ay makikitang nakapostura ang dalawa na parang may importanteng okasyon.
Medyo nakaharap si Kobe na nakayakap ang kaliwang kamay sa beywang ni Kyline.
Si Kyline naman ay medyo nakatalikod at nakahawak sa dibdib ni Kobe.
Caption ng Kapuso actress sa kanyang post, “Together, with him. Special announcement. 9.25.24”
Read: Kyline Alcantara “kandong” video with Kobe Paras goes viral
Sa ibinhagi namang larawan ni Kobe ay naka-back hug sa kanya si Kyline.
Caption dito ng basketball star at commercial model, “save the date for a special reveal 9.25.24”
KYLINE ALCANTARA, KOBE PARAS FANS SPECULATE
Sa comments section ng post ni Kyline ay kanya-kanyang espekulayon ang netizens kung ano ang “special annuncement” na tinutukoy ng aktres.
Sabi ng isa sa unang nagkomento, “Buntis ka na ba?”
Mabilis naman itong sinalungat ng mga tagahanga ng Shining Inheritance actress.

Tanong naman ng isa, “Ano yan Kyline? Don’t tell you are…….”
“Excited for the announcement kung ano man yan Ky,” ang komento ng isa pang fan.
Hula ng isa kung ito na ba yung ginawa nilang proyekto.
Aniya, “Ang movie ba to? Or yung relationship na? Huhuhu.@e di na naman ako makakatulogggg. lloveyou both guys.”
Biro ng isa, “Kasalanan na ba? Hehehe charut lang pero wait kami”
Ayon sa isa pa, “Halaaaa ano kaya yan? nakakaexcite”

Read: Kyline Alcantara refuses to reveal real score with Kobe Paras
JACKIE FORSTER: “WHAT’S THE MEANING OF THIS?”
Sa comments section naman ng post ni Kobe ay nag-iwan ng nakatutuwang komento ang kanyang nakatatandang kapatid na si Andre Paras at inang si Jackie Forster.
Sabi ni Andre, “suit and tie right? [heart emoji]”
Tila kinastigo naman ni Jackie si Andre at sinabing, “@andreparas what’s the meaning of this”

Kabilang pa sa nagkomento rito ay si Sam YG at si Kyline mismo.

KYLINE-KOBE PROJECT
May kinalaman kaya ang announcement ni Kyline bukas sa personal nilang buhay? O ito ay tungkol sa proyektong ginawa nilang dalawa sa ibang bansa.
Sa ulat ng 24 Oras noong August 16, 2024, nagpasalamat si Kyline na pumayag si Kobe na makasama niya sa hindi pinangalanang proyekto.
Pero sa China raw ang shooting nito.
Sabi ni Kyline, “We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I’m excited po to work with him.”
Looking forward daw siya sa bonding nila habang nasa China sila.
Aniya, “Definitely the food trip kasi yun po talaga yung bonding namin.”
Hindi pa man umamin kung ano ang real score nila, hindi naman daw nila ma-describe ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa.
Paglalarawan ni Kyline, “It’s a different feeling po, so I don’t know the exact words to describe it. Lumalabas na lang siya through actions, through our auras, I guess, I cannot find the exact words.”
News
SHOCK: Sunshine Cruz SHOCKINGLY BREAKS FREE from Atong Ang’s CONTROL!! Fans Left Stunned — What Happened Next is UNBELIEVABLE!! /LO
Sunshine Cruz Lumayas Na Sa Poder ni Atong Ang!! OMG!! In a shocking turn of events, actress Sunshine Cruz has…
Angel Locsin’s Father, Angel Colmenares, SHOCKINGLY PASSES AWAY at 98 — Heartbreaking News Revealed! /LO
Angel Locsin Pumanaw na sa Edad na 98 Years Old ang Kanyang Ama na Si Angel Colmenares In a heartbreaking…
Aga Muhlach is the REAL FATHER of Mavy Legaspi, Carmina Villaroel MAKES a REVELATION! /LO
Aga Muhlach ANG TOTOONG AMA ni Mavy Legaspi, Carmina Villaroel MAY REBELASYON! In a surprising and emotional revelation, actress Carmina…
Anak ni Sunshine, BINWELTAHAN si Atong Ang matapos WALDASIN ang Kayamanan at Pera ng Ina! /LO
Anak ni Sunshine, BINWELTAHAN si Atong Ang Matapos Waldasin ang Kayamanan at Pera ng Ina! In a dramatic and highly…
SHOCK: Jellie Aw Shares Jam Ignacio’s Message Trying to Win Her Back, Fans Left “Disgusted” by the Content Inside… /LO
Jellie Aw shares Jam Ignacio’s message trying to woo her back Pin Disc jockey Jellie Aw shared with her fans…
SHOCKING: Angel Locsin’s Father Passes Away at 98: Family and Fans Stunned as the Real Cause is Revealed…! /lo
Angel Locsin Father Passes Away At 98, Family Confirms Angel Colmenares, the father of Angel Locsin, died at age 98….
End of content
No more pages to load