Martin Nievera, naiyak matapos mag-front act sa concert ni TJ Monterde

  • Emosyonal ang tinaguriang ‘Concert King’ ng Pilipinas nang maging front act ni TJ Monterde
  • Maging si TJ ay naiyak din sa mensaheng pabatid sa kanya ni Martin
  • Naikwento rin ng ‘Concert King’ kung bakit siya ang front act ng concert ni TJ
  • Matapos ang pagtatanghal ni Martin, muli silang nagkaiyakan ni TJ backstage

Sinurpresa ng tinaguriang ‘Concert King’ ng Pilipinas na si Martin Nievera ang mga nanood sa ikatlong gabi ng concert ni TJ Monterde kamakailan.

TJ Monterde
Screengrab from Ogie Diaz Showbiz Update
Source: Youtube

Si Martin ang naging front act ng ‘Sarili nating mundo’ concert ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum.

Naikwento ni Martin kung bakit naroon siya sa gabing iyon na siyang labis na nagpaluha kay TJ na noo’y nakikinig backstage.

“He came out every single CD promo and started the show the way I do it right now. So I thought maybe, one day I could return the favor… ” ang bahagi ng mensahe ni Martin kay TJ.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

At nang matapos ang performance ni Martin, muli silang nagkaiyakan ni TJ backstage kung saan pinalakas niya lalo ang loob nito at sinabi kung gaano siya ka-proud sa narating ni TJ na minsan lang nangarap na magtagumpay sa larangan ng musika.

Narito ang kabuuan ng nasabing tagpo na ibinahagi rin ng Ogie Diaz Showbiz Update:

Si TJ Monterde ay isang Filipino singer, songwriter, at personalidad. Kilala siya sa kanyang mga kantang may temang love songs at ballads. Naging popular siya dahil sa kanyang mga hit songs tulad ng “Ikaw at Ako,” “Puhon,” “Sariling Mundo” at marami pang iba. Siya ang mister ng “Asia’s Soul Supreme’ na si KZ Tandingan.

Matatandaang naging soundtrack ng pelikulang ‘Hello Love Again’ ang duet nilang mag-asawa sa awiting ‘Palagi.’ Sa dami ng tumangkilik sa naturang awitin, nagwagi ito bilang number one song ng 2024 sa Billboard Philippines. Tinanggap nila ng kanyang misis na si KZ Tandingan ang naturang award sa ikatlong gabi ng kanyang concert kamakailan sa Araneta Coliseum.

Sa nasabing 3-day concert din naikwento ni TJ na tulad ng maraming artist, minsan lamang din niyang pinangarap ang nangyayaring tagumpay sa kanya ngayon. Aniya, taong 2022, muntik na niyang sukuan ang pangatap niyang ito kung saan naisipan na lamang niyang mag-aral at pasukin ang mundo ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang coffee shop. Subalit, dahil naniniwala umano siya sa kasabihang ‘In God’s perfect time,’ tila nabigyan siya ng hindi inaasahang biyaya kung saan unti-unting natupad ang kanyang pangarap sa patuloy na paggawa niya ng mga awitin na madaling tumatak sa puso ng maraming Pilipino maging ang mga nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Emosyonal ding naibahagi ni TJ na lahat ng tagumpay at hindi inaasahang biyaya na ito ay nakamit niya sa kantang ‘Palagi’ na may bersyon din kung saan ka-duet pa niya ang kanyang misis na si KZ Tandingan. Tunay ngang isa sila sa mga maituturing na power couple sa showbiz sa taglay nilang talentoo at kahanga-hangang samahan bilang mag-asawa at bilang mga matatagumpay na performer sa larangan ng musika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!