Snooky Serna, inaming dumistansiya noon sa kaibigang si Maricel Soriano

Snooky Serna kay Maricel Soriano: “We were close pero merong point in our lives na nagkaroon kami ng away.”

Inamin ng batikang aktres na si Snooky Serna na dumistansiya sila noon sa isa’t isa ng kaibigan na si Maricel Soriano dahil sa professional rivalry.



Sa panayam ni Snooky sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento niya sa batikang host na si Boy Abunda ang lagay ng relasyon nila ngayon ng kaibigan na si Maricel.

“Ako kasi hindi ko akalain na magiging ganito pa kami ka-close ni Maricel,” ani Snooky.

Dito sinabi ni Snooky na nagkaroon sila ng problema noon ng Diamond Star dahil sa kanilang trabaho sa industriya bilang mga aktres.

Aniya, “At one point in time kaming dalawa ni Maricel, we were close pero merong point in our lives na nagkaroon kami ng away, hindi naman talagang away pero ‘yung we were kind of distant.”

Paliwanag niya, “It was because more of professional rivalry, may mga bulong-bulong sa camp niya, may mga bulong sa camp ko noong araw.”

Ibinahagi naman ni Snooky na maayos na muli ang relasyon nila ngayon ni Maricel. Sa katunayan, tila naging kasangga pa nila ngayon ang isa’t isa upang mas maging matatag at mapagpatawad na tao.

Aniya, “Tito Boy ako, I have become a stronger person and a more forgiving person because of Maricel Soriano and I think si Maricel is the same para siyang naging stronger and more forgiving because of me.”

Nagpapasalamat din si Snooky na muli silang nagkita ni Maricel at mas naging close pa sila ngayon ng kaibigan.

“Thank God at nagkrus ang landas namin ulit. Sabi nga namin, siguro may kinalaman ‘yung mga mommy namin na nasa heaven, si mommy Linda Carter at mommy Mila Ocampo na mas naging close kami ngayon, parang kapag nag-uusap kami ngayon parang we are each other’s best confidant and parang ano kami we lift each other up.

Dagdag pa niya, “Because of her parang nahahatak ako to become the better version of myself and because of me siguro kahit papaano parang nai-influence ko rin siya na maging mas forgiving.”

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG NOTABLE ROLES NI SNOOKY SERNA SA MARAMING KAPUSO SERIES SA GALLERY NA ITO: