Joko Diaz, pumayag pasukin ng 14-year-old daughter ang showbiz

Ang tapusin ang pag-aaral ang tanging kundisyon na hiningi ni Joko Diaz sa 14-year-old daughter niyang si Ashley bago siya pumayag na pumasok sa showbiz ang panganay na anak nila ng kanyang misis, ang former flight attendant na si Abby.

Sinabihan din ni Joko si Abby na ito ang magbabantay kay Abby nang “kornerin” siya ng kanyang mag-ina, dalawang buwan na ang nakalilipas.
In return, ipinangako ni Joko na hindi siya magiging stage father kay Ashley dahil ibibigay niya ang respeto sa kanyang anak na pumirma ng exclusive contract sa Viva Artists Agency.
Natatandaan ni Joko na 14-anyos din siya nang pumirma ng kontrata sa Viva Films at maganda ang resulta ng pamamahala ng kompanya sa showbiz career niya.
“Dyusko” ang sagot ni Joko nang tanungin kung papayag siyang sumali sa mga beauty pageant si Ashley kapag tumuntong ito sa wastong edad dahil malaki ang potensiyal ng bata na maging beauty queen.
“Siyempre, lalaki ako, anak ko iyan, pero kung saan ko siya makikita na masaya, basta kaya niya, bakit hindi?” ang reaksiyon ni Joko sa posibilidad na pagsali ni Ashley sa mga beauty contest, balang-araw.
Pinasalamatan naman ni Ashley si Joko dahil sa pagpayag nitong pumasok siya sa showbiz para matupad ang pangarap niyang maging singer.
Ayon kay Ashley, napakaganda ng relasyon nila ni Joko dahil mabait at supportive ang tatay niya.
Nakakabahala lang ang rebelasyon ni Ashley na biktima ito ng bullying mula pa noong Grade 6 siya sa private school sa Batangas City na pinapasukan niya.
Grade 9 na ngayon si Ashley, na confused din dahil hindi niya maintindihan kung bakit paborito siyang i-bully ng mga kaklase.
Hindi lumalaban si Ashley sa kanyang mga tormentor dahil ayaw raw niyang lumala pa ang sitwasyon.
Nagsumbong si Ashley sa kanyang mga magulang na nakipag-usap na sa school authorities para mahinto na ang mga pang-aapi sa kanilang anak.
News
11 Filipino celebrities who were born into wealthy families
Stardom has a way of adding those extra zeroes to one’s bank account rather quickly and easily. While celebrities and…
Aljur Abrenica Shows ALL-OUT Support for Kylie Padilla’s Fight
In an emotional and heartwarming turn of events, Aljur Abrenica has publicly expressed his unwavering support for his ex-partner Kylie…
Vice Ganda NAGALIT Sa Kanilang CONTESTANT Na NAGPANGGAP Na MAG-EX!
Vice Ganda Angrily Confronts Contestant Who Faked Being an Ex – You Won’t Believe What Happened Next! In a dramatic…
Ivana Alawi Admits She Misses Dustin Yu After Her Live PBB Exit – A Heartfelt Confession That Left Fans Stunned!
In a surprising and emotional revelation, Ivana Alawi opened up about missing Dustin Yu after her dramatic exit from PBB…
Sunshine Cruz Gets Down on One Knee and Leaves Atong Ang! The Heartbreaking Reason Behind Their Breakup Revealed
Sunshine Cruz Opens Up About Her Breakup with Atong Ang: The Heartbreaking Reason Behind Their Split Revealed In an emotional…
Mga Pinakamayayamang Celebrity sa Pilipinas – Mga Celebrity na Ipinanganak na Mayaman at Namuhay ng Marangyang Buhay!
Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinarap sa mundo ng showbiz, may mga artista na hindi na kailangang magsimula…
End of content
No more pages to load