
Trigger Warning: This article contains description of physical abuse, disturbing images
Pormal nang naghain ng reklamo ang club disc jockey at influencer na si Jellie Aw sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Jam Ignacio, na inakusahan niya ng pananakit at pambubugbog.
Si Jellie ang fiancée ni Jam, ex-boyfriend ng actress-TV host na si Karla Estrada.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, dumulog si Jellie sa tanggapan ng NBI ngayong Biyernes, February 14, 2025, upang humingi ng tulong sa ahensya na makasuhan si Jam.
Matapos makapaghain ng pormal na reklamo, nagpaunlak ng panayam si Jellie.
Dito ay sinabi niyang likas na seloso ang nobyo niyang si Jam.
Selos daw ang dahilan kung bakit umabot sa pananakit at pambubugbog ni Jam kay Jellie ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
Lahad ni Jellie: “Sobrang seloso po kasi [ni Jam], kahit maliit na bagay lang talagang pinapalaki na.
“Kahit po sa work ko, kapag may kumakaway sa akin sa gig, nagagalit siya.”
Bahagya ring idinetalye ni Jellie ang sinapit niya sa kamay ni Jam nang bugbugin siya nito sa loob mismo ng sasakyan.
Pagbabalik-tanaw ng DJ: “Kinukuha niya yung buhok ko, tapos [inuuntog niya yung mukha ko] habang nagda-drive siya.
“Humahampas po ako sa salamin ng kotse.
“May parang dugo po sa loob [ng mata ko] tapos yung [baba po ng mata ko] medyo paputok na po, e, kasi medyo napuruhan.
“Sa bibig po, ganon din po [pumutok] dahil sa kamao.
“Yung ngipin ko po, nabasag, [yung bandang labi ko po] nakatahi na po.”
JELLIE AW’S MESSAGES TO JAM IGNACIO
Sa huli, may mensaheng nais ipaabot si Jellie kay Jam.
Hiling ng DJ na magpakalalaki ito at harapin at panagutan ang ginawa nito sa kanya.
Saad niya: “Ang message ko lang po sa kanya, madali lang naman magpatawad, e. Pero yung ginawa niya sa akin, hindi ko makakalimutan yon.
“Iba yung trauma e, ang hirap matulog. Lagi kong naaalala yung ginawa niya sa akin.
“So, gusto ko lang, Jam, harapin mo yung ginawa mo sa akin.”
Jam Ignacio accused of physical abuse
Noong Miyerkules, February 12, 2025, kumalat online ang mga larawan ng duguang mukha ni Jellie.
Sa Facebook post ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw direkta nitong inakusahan si Jam na siya umanong may kagagawan ng nangyari sa kapatid.
Sabi pa ni Jo, hindi niya alam ang dahilan kung bakit “bigla na lang pinagsasapak” at “binugbog” ni Jam ang kanyang ate na si Jellie.
Mabuti na lamang daw at nakasigaw si Jellie sa isang tollgate na kanilang nadaanan at nailigtas ng mga pulis.
Lumalabas na nasa loob ng sasakyan sina Jam at Jellie nang mangyari ang insidente.
Lahad ni Jo sa kanyang post (published as is): “BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN
“Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo “JAM IGNACIO”
“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone.
“Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!
“Wala kang awa!! Demonyo, mapapatay mo na ate ko
“Update po kay ate magpapamedical na kami ngayon and magrereport na sa pulis.”
Ilang oras lamang matapos magpost ni Jo Aw, ay nag-post din sa Facebook si Jellie ng larawan niyang bugbog at duguan ang mukha.

Dito ay binalaan niya ang fiancé na ipakukulong niya ito para mapanagot sa kanyang ginawa.
Sabi ni Jellie sa caption: HAPPY VALENTINES?
“ta*n* mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masamA para ganituhin moko.
“halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!”
News
DOMINIC ROQUE ISINA-PUBLIKO ANG MGA PAHAYAG NIYA TUNGKOL KAY BEA ALONZO: “IPINAKITA NA NI BEA ANG TUNAY NA KULAY”
DOMINIC ROQUE ISINA-PUBLIKO ANG MGA PAHAYAG NIYA TUNGKOL KAY BEA ALONZO: “IPINAKITA NA NI BEA ANG TUNAY NA KULAY” Isang…
Aga Muhlach Was Furious When She Learned That Her Daughter Atasha Was Pregnant with Vico Sotto – The Real Reason Was Shocking
Aga Muhlach Was Furious When She Learned That Her Daughter Atasha Was Pregnant with Vico Sotto – The Real Reason…
Maine Mendoza says first baby with Arjo Atayde is ‘coming soon’
Arjo Atayde and Maine Mendoza. Image: Instagram/@mainedcm Will Maine Mendoza and Arjo Atayde welcome their first child this year? The “Eat…
Maine Mendoza STUNS the Public as She Files a Case Against Arjo Atayde for BETRAYAL and DECEPTION!
Maine Mendoza STUNS the Public as She Files a Case Against Arjo Atayde for BETRAYAL and DECEPTION! Isang nakakagulat na…
Chloe claims Carlos’ own family did not greet him on his birthday
Chloe San Jose pens heartwarming birthday message for boyfriend Carlos Yulo. Carlos Yulo celebrates his 25th birthday with girlfriend Chloe…
Is Andrea Brillantes dating basketball player Sam Fernandez?
Andrea Brillantes and Sam Fernandez have yet to address the dating rumors. Andrea Brillantes is embroiled in whispers of romance…
End of content
No more pages to load