Sunshine Cruz bumata, mas gumanda pa at sumeksi dahil kay Atong Ang
FRESH na fresh ang awra ng aktres na si Sunshine Cruz, patunay na super happy siya ngayon sa piling ng kanyang bagong karelasyon na si Atong Ang.
Sandali naming nakasama at nakachikahan si Sunshine sa wake ng veteran entertainment columnist na si Tito Ed de Leon kagabi, December 21, sa St. Peter’s Chapels sa Quezon City.
Close ang aktres kay Tito Ed kaya isa siya sa mga unang-unang celebrity na dumalaw sa lamay nito para makiramay sa mga naulilang mga kapamilya.
In fairness, mas lalo pang bumata, gumanda at sumeksi si Shine ngayon! Sabi nga namin sa kanya, para rin siyang bampira na hindi tumatanda kahit nadadagdagan ang edad niya every year.
Nag-47 na ang aktres last July at three years na lang at Golden Girl na siya pero kapag nakita n’yo si Shine sa personal ay mukha lang siyang nasa 30s! Promise! Para siyang walang tatlong dalagang anak.
Kitang-kita sa itsura at sa mga mata ng aktres na masayang-masaya siya sa karelasyon niya ngayong si Atong Ang na hindi na naman niya itinatago dahil kahit nasa public place ay naghahalikan sila nang bonggang-bongga.
Pero nang magparamdam kami sa kanya na nais naming kumustahin ang kanyang lovelife, napa-smile na lang si Shine at gets na namin ang ibig niyang sabihin. Ha-hahahaha!
Well, mas gusto muna sigurong gawing private ng aktres ang relationship nila ni Atong para less tsismis at intriga. Parang “what you see is what you get” ang kanilang peg bilang magdyowa.
Pero in fairness uli, mas marami kaming nabasang positive na reaksyon sa relasyon nina Shine at Atong kesa sa mga hate and mean comments mula sa mga netizens.
Tulad ng ex-husband ni Sunshine na si Cesar Montano na nagpahayag ng suporta sa magdyowa.
“Saludo ako kay Atong for being man enough to admit his relationship with Shine,” sabi ni Buboy (palayaw ng action star).
Ito naman ang message niya sa magdyowa, “I sincerely wish that they will live happily ever after. They both deserve to be happy.
“When Shine is happy, that means our three daughters are happy, too. And as a father, my daughters’ happiness is mine as well,” dagdag pa ni Cesar.
Matatandaang nag-viral sa social media ang kissing video ng businessman at aktres na pinagpiyestahan ng maraming Marites.
Kasunod nito ay ang pagkumpirma ni Atong na totoong girlfriend na niya si Sunshine.
Taong 2013 nang maghiwalay sina Cesar at Sunshine at 2018 naman nang mapawalang-bisa ang kasal nila.
After nito ay nagkaroon siya ng six-year relationship sa politician na si Macky Mathay bago mag-break noong 2022.
News
Francine Diaz Struggles with Foot Pain, and Seth Fedelin Comes to the Rescue – What’s the Untold Story After Their Star Magical Prom? /LO
Francine Diaz Nasaktan Ang Paa Kaya Binuhat Ni Seth Fedelin Pagkatapos Ng Star Magical Prom nila! Humakot ng tatlong…
HOT: Raquel Pempengco’s Mother Fires Back at Ogie Diaz – But What’s the Real Reason Behind Her Sudden Outburst? /lo
Ina Ni Raquel Pempengco Agad Na Bumwelta Kay Ogie Diaz! Tila nagkaroon ng lakas ng loob ang ina ni…
BREAKING NEWS: Ruffa Gutierrez Reveals Ex-Husband Yilmaz Bektas Wants to Marry Her Again – Her Surprising Reaction Leaves Everyone Doubtful About the Truth Behind It…! /lo
Ruffa Gutierrez Reveals Yilmaz Bektas Wants To Marry Her Again Ruffa Gutierrez was asked about her ex-husband Actress Ruffa Gutierrez…
The Power of Wild Lettuce Sap: How to Collect, Use, and Benefit from It
The Power of Wild Lettuce Sap: How to Collect, Use, and Benefit from It Wild lettuce (Lactuca virosa), often called…
The Power of Baking Soda: A Natural and Effective Pest Control Solution
The Power of Baking Soda: A Natural and Effective Pest Control Solution Baking soda is an incredibly versatile household staple,…
Why You Should Embrace Purslane in Your Garden: 8 Compelling Reasons
Why You Should Embrace Purslane in Your Garden: 8 Compelling Reasons Purslane (Verdolaga) has transformed from a nuisance in gardens…
End of content
No more pages to load