Filipina beauty queen na si Megan Young inakusahang mangkukulam at mandaraya matapos ayusin nito ang buhok ng Miss World candidate na si Botswana Lesego Chombo. 

Humaharap ngayon sa matinding pambabatikos ang aktres at Miss World 2014 na si Megan Young matapos nitong ayusin ang buhok ng isa sa mga contestant ng Miss World 2024 Botswana Lesego Chombo.

Minasama ng ilang mga Botswanaian netizens ang pagmamagandang loob ni Megan Young para sa kanilang kandidata. Ayon sa ilang mga Botswanian, kinulam umano ni Megan Young ang kanilang candidate upang tanggaling ang confidence nito sa gitna ng kompetisyon.

Marami ang mga nagpaalala kay Megan Young na talagang hindi maganda para sa mga black people ang paghawak sa buhok ng iba.

Gayunpaman naniniwala na si Lesego Chombo na walang basehan ang ibinabatong pambabatikos kay Megan Young ng kanyang mga kababayan at hindi rin umano ito nakakatulong sa pagtanggap niya sa kanyang pagkatalo.

Iginiit din nito na hindi nakakagaan ng loob ang mga ginagawa nilang pagpapataas sa kanya habang tinatapakan naman ng mga ito ang ibang mga tao kagaya na lamang kina Miss World 2024 Krstyna Pyszkova, at Megan Young.

Samantala sa isang panayam nagbigay ng pahayag si Megan Young patungkol sa mga pambabatikos na natanggap dahil sa ginawa niya sa buhok ni Lesego Chombo.

Ayon kay Megan Young personal siyang humingi ng tawad ng Lesego Chombo sa kanyang nagawa. Nilinaw niya na bagama’t wala naman siyang ibang intensyon, bukod sa pagtulong hindi umano niya nakita ang bigger picture at hindi rin umano niya alam na may naapakan na pala siyang kultura,

Dagdag pa ni Megan Young, nagkausap na umano sila ng pribado ni Lesego Chombo kung saan humingi siya ng paumanhin sa kanyang nagawa. Humihingi rin siya ng paumanhin sa mga taong naapektuhan sa kanyang maling desisyon.

Iginiit din ni Megan Young na natuto na siya sa pagkakamaling nagawa at hinding-hindi na umano niya uulitin ang kanyang pagkakamali kahit pa wala naman siyang intensyon na i-invade ang private space ng kandidata.