Naglabas ng reaksyon ang kilalang aktres na si Claudine Barretto sa trending na pagbabati ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto at Bea Alonzo sa tribute party para kay Mr. M.
Inilahad ni Claudine Barretto na masaya naman siya na tila nagkaayos na sina Julia Barretto at si Bea Alonzo.
Matatandaan na nagviral sa ilang mga social media platforms ang video kung saan nakikitang nagbebeso at nagyayakapan sina Julia Barretto at Bea Alonzo sa tribute party para sa Star Maker na si Johnny Manahan noong March 16, 2024.
Naging malaking usapin ito sa mga netizens dahil ito ang kauna-unahng pagkakataon na nagkaroon ng interactions sa isa’t-isa sina Julia Barretto at Bea Alonzo matapos masangkot sa kontrobersiya noong 2019.
Samantala sa isang panayam kay Claudine Barretto naitanong sa kanya kung ano ang kanyang saloobin sa tila pagkakasundo ng dalawa.
Ayon kay Claudine Barretto na labis niyang ikinatuwa ang nangyaring pagkakasundo ng dalawa.
Aminado rin si Claudine Barretto na worried siya noong gabing iyon knowing na maaring magkrus ang landas nina Bea Alonzo at Julia Barretto.
Nagaalala umano siya para kay Julia Barretto dahil hindi ito katulad niya na matapang sa katunayan ay mahiyain umano si Julia Barretto.
Samantala, pakiramdam naman ni Claudine Barretto na matagal na ring nakapag-move on si Bea Alonzo sa nangyaring isyu sa pagitan nila nina Julia at Gerald Anderson.
Matatandaan na dumaan sa matinding intriga sina Bea Alonzo at Julia Barretto nang malink ang huli sa aktor na si Gerald Anderson na kasalukuyang karelasyon noon ni Bea Alonzo.
Nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo noong 2019 dahil sa involvement ni Julia Barretto.
Sa isang panayam noon kay Bea Alonzo, inilahad niyang hindi naman sila pormal na naghiwalay ni Gerald Anderson, bigla na lamang umano itong tumigil na makipag-usap sa kanya.
Sa nangyari, marami ang nagtuturo kay Julia Barretto bilang dahilan ng hiwalayan o panggo-ghost ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo.
Samantala, itinanggi naman ito noon ni Julia Barretto at Gerald Anderson kung saan pareho nilang iginiit na hindi totoong naging third party si Julia Barretto
Nagbigay rin noon ng prangkang pahayag si Julia Barretto para kay Bea Alonzo kung saan sinaway na niya ang aktres sa pagpi-feeling victim nito sa publiko sa nangyaring pang-iiwan ni Gerald Anderson.
Pahayag noon ni Julia Barretto, “Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you.”
Dagdag pa niya, “You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim.”
News
BREAKING NEWS: Gloria Romero’s Last Will and Testament Revealed! The Iconic Actress Has Passed Away – What Led to Her Untimely Death? Rest in Peace.
Gloria Romero Last Will and Testament | Gloria Romero Pumanaw Na | Cause of Death | RIP Isang malungkot na…
Fyang’s comment about Pops Fernandez, Martin disappointed? Martin Nievera, nagalit nga ba kay Fyang Smith matapos nitong hindi makilala si Pops Fernandez?
Napanood niyo na ba, mga YesPren, ang kumakalat na video ngayon ni Fyang Smith sa isang interview kasama sina Ogie…
Biglaang pagpanaw ni Shan Cai, ikinalungkot ng marami. ANG DAHILAN NG PAG-IWAN, MARAMING NAGULAT!
DAHILAN NG PAGPANAW NI SHAN CAI, IKINAGULAT NG MARAMI! Isang malungkot na balita ang ikinagulat ng marami sa buong mundo—ang…
BREAKING NEWS! Kai Sotto is making a stunning comeback! Gilas has a shocking surprise in store for NZ!
GOODNEWS! Mas MABILIS MAKAKABALIK SI KAI SOTTO!! GILAS MAY PANG GULAT SA NZ!! Isang malaking balita para sa mga tagahanga…
Umiyak si MARIEL Rodriguez matapos ang DIVORCE ni ROBIN padilla.nakakabigla na katotohanan na mahirap tanggapin😲(video)
Muling kinilig ang showbiz sa mga tsismis tungkol sa buhay mag-asawa ng sikat na mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla….
Maricel Soriano Overwhelmed with Emotion at Gloria Romero’s Wake, Breaks Down in Tears
Emotions ran high during the wake of the late Gloria Romero, as veteran actress Maricel Soriano was seen visibly overwhelmed…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply