“Breakup” ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo: Pagtutuos o pampa-boost?

Photo from tribune.net.ph

2/8/25, 12:50 PM



Ni Samantha Faith Flores

Matapos mapahanga ang madla sa mala-fairy tale nilang pagmamahalan, tila malulusaw na rin ang maraming taong pagsasama ng engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Naging malaking usap-usapan na ang romansa ng dalawa matapos na i-unfollow nila ang isa’t isa sa social media.

Nag-post din sila ng parinigan nitong Biyernes (Enero 7).

“I found out it’s the Year of the Snake! I thought it was the year of the wolf in sheep’ clothing!” isinulat ni Eigenmann sa kanyang Instagram Stories account.

Sa isang post, sinabi din ng dating aktres: “They stab you and pretend they are the ones bleeding.”

Siyempre pa, sinilip din ng mga netizens ang account ni Alipayo at dito sila naghusga na tunay nga ang pagkakagalit ng dalawa.

Sa salitang Bisaya isinulat ni Alipayo: “Kung ano man ang nabasa ninyo ay totoo. Wala nang maitatago dahil lalo pa itong magiging mahirap. Alam na ninyo kung anong klaseng tao ako, kaya malamang alam na ninyo kung sino sila. Hindi na kailangan bigyan pa ng katiwaran ang lahat.”

Dagdag ni Alipayo: “Tawagin na ninyo akong manloloko at pangit ngayon. Ngunit salamat pa rin sa mga taong nagmensahe at kumilala sa akin.”

Marami ang nagsasabi na baka gimmick lamang ang umano’y alitan ng mag-partner sapagkat hindi naman nila binago ang mga litrato sa kani-kanilang Facebook account.

Noong pang 2020 naging engaged ang dalawa na naninirahan sa Siargao, surfing capital ng bansa. Dalawa ang kanilang anak, siina LIlo,5 at Koa,4.

Si Andi, 34, ay anak ng yumaong mga batikang artista na sina Mark Gil at Jacklyn Jose. May anak siya kay dating aktor na si Jake Ejercito, anak ng dating Pangulong Joseph Estrada.