Lotlot de Leon denies “boycotting” mother Nora Aunor on Christmas eve

“Hindi totoo yung speculation na hindi kame okay.”



lotlot de leon nora aunor ian de leon

Lotlot de Leon (left) speaks up after being accused of intentionally not visiting mother Nora Aunor on Christmas eve while her siblings Ian de leon and Kenneth spent Christmas with the Superstar.

Nagsalita si Lotlot de Leon matapos makatanggap ng mga puna dahil wala siya sa bahay ng inang si Nora Aunor noong Christmas eve gayong naroon ang mga kapatid na sina Ian de Leon at Kenneth.

Naba-bash ngayon si Lotlot ng ilang supporters ng Superstar at pinaparatangang “binoykot” ang ina noong bisperas ng Pasko.

Kaugnay nito, nagbigay ng pahayag si Lotlot sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sa pamamagitan ng PEP contributor na si Rommel Gonzales, ngayong Miyerkules ng hapon, January 4, 2023.

Ayon sa aktres, December 24 ng gabi, kasama niya ang kanyang mga anak kay Ramon Christopher “Monching” Gutierrez na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine. Kasama rin sa pagdiriwang na iyon si Monching at ang current husband ng aktres na si Fadi El-Soury.

Lahad ni Lotlot: “I just want to clarify the issue that was said in one YT channel that ‘Binoykot’ ko daw ang pa noche buena sa bahay ng mommy.

“Hindi totoo.

“Unang una po, okay ang relationship namin ng mommy. Nagkakausap kame, nagkikita, nag te-textan. Wala problema between us.

“Hindi totoo yung speculation na hindi kame okay.

“I saw mom before Christmas. Dec 20 to be exact.

“She even asked nga what our plans are, ako si Fadi at mga bata.

“I told her I was gonna be with the kids then textan nga pag punta ako.”

Noong madaling-araw ng December 25, tutuloy raw dapat si Lotlot sa bahay ng ina, pero mismong si Nora ang nagsabi sa kanyang huwag nang tumuloy dahil masama raw ang pakiramdam ng Superstar.

Patuloy niya: “I called Ian around 1 am then asked kung andun Pa sya [Ian], because ang Alam ko talaga Ian will go. Since he also messaged me to say that he will be going.

“So when I called Ian he said pauwi na sya Pero moms there Pa with some other people.

“Sabe ko tawagan ko na lang si mommy. I called mom. Told her dadaan kame para batiin nga sya para makita ko na sya ulit.

“But she said she wasn’t feeling well and inuubo nga sya.. which I know naman kase I saw her a few days before.

“I respected mom’s wish and said it’s okay pahinga na sya.

“So clearly Alam nang mommy ko din yan.”

Giit pa ni Lotlot, walang katotohanan ang mga nagsasabing hindi maayos ang relasyon nila ng kanyang ina.

“Hindi ko talaga Alam saan or kung Sino ang nagkakalat na Hindi maganda ang relationship namin ni mommy.

“Sana bago mag assume ang kung Sino man eh Alamin din muna kung ano ang totoo.

“At sana Yung mga nagkakalat ng hindi maganda tungkol sa akin at sa aking mommy eh tumigil na din po.

CONTINUE READING BELOW ↓

Vice Ganda and Chie Filomeno spotted at 2NE1’s concert | PEP Hot Story

“Hindi nakakatulong ang mga maling paratang sa Kahit Sino man.

“Mom and i our relationship has always been private. And again okay kame.”

Sa isang vlog, ibinahagi ni Ian ang pagbisita nila ni Kenneth kasama ang kani-kanilang pamilya kay Nora noong December 24, 2022.

Wala sa pagtitipong iyon ang iba pang kapatid ni Ian na sina Lotlot, Kiko, at Matet de Leon.

HOT STORIES