Rayver: Ipakikita ko kay Julie na ako ang karapat-dapat niyang mapangasawa
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose
NAGBITAW ng pangako sa isa’t isa ang Kapuso couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa harap ng milyun-milyong Kapuso viewers.
Yes! On national TV ay nag-promise ang magdyowa na sa any moment ay magle-level up na rin ang kanilang pagmamahalan at umaasang sa kasalan na talaga mauuwi ang kanilang relasyon.
In fairness, kapag nakakausap namin ang JulieVer at ng ilan pang members ng showbiz press ay palagi silang natatanong kung kailan nila planong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.
Ang palagi nilang isinasagot ay darating at darating ang tamang panahon para sa paglagay sa tahimik at ayaw naman daw nilang madaliin ang isang napakaespesyal na bagay para sa isang magkarelasyon.
Sa episode ng “All-Out-Sundays” nitong nagdaang Linggo, isa rin ito sa natanong ng King of Talk na si Boy Abunda – kung malapit na raw bang ikasal sina Julie Anne at Rayver.
“Tito Boy, ito na seryoso, ang plano ko po talaga ngayong 2025 ay mas maipakita ko pa kay Julie at sa parents niya na ako na talaga ang karapat-dapat niyang mapangasawa sa future,” ang diretsahang sagot ni Rayver.
Tilian at palakpakan ang mga kasamahan nina Rayver at Julie sa Sunday musical-variety show ng GMA na talagang ikinakilig din ng audience.
Hirit na reaksyon naman ni Julie, “Mahal ko talaga si Ray. Wala naman na akong hinahanap na iba eh, so papunta na tayo du’n.”
Sey ni Tito Boy abangers na lang silang lahat kung kailan ang magaganap na kasal at never nang makikialamanna pa sa plano ng dalawa.
“Pero para sa inyong dalawa, all the best in 2025!” hirit pa ng King of Talk.
News
The REAL STORY Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Condition Revealed by Doctor Doc Alvin! 😱 What You Need to Know!
The TRUTH Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Death: Doctor Doc Alvin’s Analysis Reveals What Happened The Philippine entertainment industry has…
🔥ATONG ANG BINAWI ANG 10M BAGONG SASAKYAN KAY SUNSHINE CRUZ! MATAPOS ANG 2 MONTHS IN-RELATIONSHIP! 🔴
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly taken back a luxury car worth 10 million pesos…
Sunshine Cruz Reveals Shocking Truth: Reconciliation with Cesar Montano Filled the ‘Missing Piece’ in Their Daughters’ Hearts!
Sunshine Cruz says reconciliation with Cesar Montano completed ‘lacking piece’ in their daughters’ hearts Sunshine Cruz opened up about her…
‘Nakakabastos po’: Pamangkin ni Vice Ganda, umalma sa pahayag ng isang netizen
Nabastos si Camille Viceral, pamangkin ni Unkabogable Star Vice Ganda, matapos sabihin ng isang netizen na “tito niya” ang…
Julia Montes Naiyak Di Inaasahan Na Magagawa Ito Ni Coco Martin Sa Kanya
Si Julia Montes ay labis na napaiyak sa kasiyahang nadama nang bigyan siya ng sorpresa ni Coco Martin. Kamakailan lamang,…
Ogie Diaz REVEALS the Alleged New BF of Kathryn Bernardo in Latest Showbiz Update!
Kathryn Bernardo, ‘taken’ na raw ayon sa source ni Ogie Diaz May bagong tsismis na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng…
End of content
No more pages to load