starmagicphils



Viral ngayon ang video ng pagtali ni Alden Richards ng sintas ng sapatos ni Kathryn Bernardo.

Sa mga fan cam video na in-upload sa iba’t ibang social media platforms ay mapapanood ang pagdumog ng mga fans sa special screening ng ‘Hello, Love, Again’ sa Dubai Marina Mall sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Ang isa nga sa mga fan cam video na ito ay ang pagtali ni Alden ng sintas ng sapatos ni Kath.

Sa sobra ngang excitement at saya ng dalaga ay hindi niya napansin na natanggal na pala ang pagkakatali sa sintas ng kanyang sapatos.

Kilig na kilig nga ang KathDen fans sa gentleman move na ito ni Alden.

“Sobrang attentive talaga si Alden pagdating kay Kath,” sey ng isang TikTok user.

Samantala, patuloy nga ang paghataw ng ‘Hello, Love, Again’ sa takilya hindi lang sa Pilipinas pati na rin nga sa ibang bansa.

As of December 1, kumita na ang bagong KathDen movie ng P1.4 billion sa global box-office.

Sa Middle East pa nga lang ay kumita na ito ng $1.4 million sa unang linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan sa UAE, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia (KSA), at Oman.

Tinalo na nga ng 1-week gross nito ang kabuuang kita ng unang KathDen movie na ‘Hello, Love, Goodbye’ sa Middle East.

Thankful naman sina Kath at Alden sa tagumpay ng kanilang pelikula.

“Thank you for coming home with us through ‘Hello, Love, Again’. You inspire us to tell more stories of strength, love, and hope,” sey ni Kath.

“Thank you for welcoming Joy and Ethan into your home again wherever you are in the world,” sey naman ni Alden.