Boy Abunda Napaiyak Sa Kahilingan Ni Kris Aquino
Hindi napigilan ng King og Talk na si Boy Abunda na maging emosyunal sa muling pagkikita nila ni Kris Aquino.
Nakaramdam umano ng halo-halong emosyon si Boy Abunda ng personal na niyang makita ang pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang sakit at ang dinadanas nito sa kanyang pagpapagamot.
Matatandaan na naunang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post kung paano pinipigilan ni Boy Abunda ang kanyang emosyun subalit kalaunan ay napahagulhol na rin.
Samantala sa kamakailang episode ng Fast Talk With Boy Abunda, ipinaliwanag ni Boy Abunda kung ganoon na lamang ang kanyang emosyon nang makita ang kasalukuyang pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang sakit.
Matagal ring hindi nagkita ang dalawa at sa mga text message at tawag lamang sila nagkaka-usap. Ang muling pagsasama ay isang makabuluhan at emosyonal na sandali para sa kanilang dalawa.
“It was a happy, beautiful reunion. Dahil matagal kaming hindi nagkita ni Kris, text lamang at sa telepono lang kami nagkakausap. It was different seeing her. Tatanggapin ko po, ako ay naging emosyunal. Sinabi rin naman ito ni Kris, I was emotional. Pinipigilan ko pong hindi umiyak pero naiyak po ako, na-miss ko si Kris.”
Hiniling din umano niya kay Kris Aquino na magpagaling ito at magpalakas upang makakagawa pa sila ng proyekto.
Ibinahagi naman ni Boy Abunda na nasa pangangalaga si Kris Aquino ng mga best doctors at nurses. Panawagan naman niya sa lahat ng mga taga-suporta ni Kris Aquino na ipagpatuloy lamang ang pagdarasal para sa agarang paggaling nito.
Isiniwalat din ni Boy Abunda ang kanilang usapan ni Kris Aquino patungkol sa pananatili nito ng ilang buwan sa Amerika upang ipagpatuloy ang gamutan.
“Ang dahilan po nun ay dahil yung meds na kailangan ni Kris ay available lamang po dun at ang accessibility ng mga doctors ay kailangan po.”
Ipinarating din ni Boy Abunda sa publiko ang taos pusong pasasalamat ni Kris Aquino sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanyang kalusugan.
“Boy, pakisabi, maraming maraming maraming salamat.”
Bukod dito, may ibinahagi rin umanong kahilingan si Kris Aquino.
“Sana hindi lang po ako ang ipagdasal, its really nice if people can pray for the people around me, my children, my sisters,” hiling ni Kris.
Na-realize naman ni Boy Abunda na tama rin naman na ipagdasal ang mga taong nakapalibot ngayon sa kanyang kaibigan.
“When we pray for somebody who doesn’t seem well, let’s also pray for people who are taking good care of the people who are not feeling well.”
News
The REAL STORY Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Condition Revealed by Doctor Doc Alvin! 😱 What You Need to Know!
The TRUTH Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Death: Doctor Doc Alvin’s Analysis Reveals What Happened The Philippine entertainment industry has…
🔥ATONG ANG BINAWI ANG 10M BAGONG SASAKYAN KAY SUNSHINE CRUZ! MATAPOS ANG 2 MONTHS IN-RELATIONSHIP! 🔴
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly taken back a luxury car worth 10 million pesos…
Sunshine Cruz Reveals Shocking Truth: Reconciliation with Cesar Montano Filled the ‘Missing Piece’ in Their Daughters’ Hearts!
Sunshine Cruz says reconciliation with Cesar Montano completed ‘lacking piece’ in their daughters’ hearts Sunshine Cruz opened up about her…
‘Nakakabastos po’: Pamangkin ni Vice Ganda, umalma sa pahayag ng isang netizen
Nabastos si Camille Viceral, pamangkin ni Unkabogable Star Vice Ganda, matapos sabihin ng isang netizen na “tito niya” ang…
Julia Montes Naiyak Di Inaasahan Na Magagawa Ito Ni Coco Martin Sa Kanya
Si Julia Montes ay labis na napaiyak sa kasiyahang nadama nang bigyan siya ng sorpresa ni Coco Martin. Kamakailan lamang,…
Ogie Diaz REVEALS the Alleged New BF of Kathryn Bernardo in Latest Showbiz Update!
Kathryn Bernardo, ‘taken’ na raw ayon sa source ni Ogie Diaz May bagong tsismis na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply