Rufa Mae Quinto, nagsalita sa unang pagkakataon tungkol sa pinagdadaanan nila ng asawa
- Inamin ni Rufa Mae Quinto na may pinagdadaanan ang relasyon nila ng kaniyang asawang si Trevor Magallanes
- Umaasa siyang maayos pa ang kanilang problema upang mabuo ang kanilang pamilya
- Ibinahagi niyang madalas siyang wala sa piling ng asawa dahil sa kaniyang trabaho kaya nauunawaan niya ang nararamdaman nito
- Sinabi ni Rufa na mahal pa niya si Trevor ngunit handa siyang igalang ang desisyon nito kung nais na nitong maghiwalay
Sa isang emosyonal na panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, inamin ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto na may pinagdadaanan ang relasyon nila ng kaniyang asawang si Trevor Magallanes. Gayunpaman, umaasa si Rufa na maayos pa ang kanilang problema at mabuo ang kanilang pamilya.

Source: Youtube
Ibinahagi ni Rufa na madalas siyang wala sa piling ni Trevor dahil sa dami ng kaniyang trabaho, dahilan upang lumayo ang kanilang loob sa isa’t isa.
Sa kabila ng kanilang sitwasyon, pinasalamatan ni Rufa si Trevor sa pagiging mabuting asawa at ama, ngunit inamin niyang naaapektuhan na rin ang kanilang anak na si Athena. Ayon kay Rufa, iniwasan niyang maghain ng diborsyo dahil masyado pa raw masakit ang sitwasyon at iniisip niya ang kanilang anak.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Aniya, “Mahal ko siya, siyempre. At gusto ko siyempre makumpleto ang pamilya namin. Pero kung desidido na siyang maghiwalay, rerespetuhin ko ‘yun kahit masakit.” Bagama’t may mga haka-haka tungkol sa estado ng kanilang pagsasama, wala pa umanong pormal na dokumentong isinampa para sa diborsyo mula sa magkabilang panig.
Nagpakasal sina Rufa at Trevor noong 2016 at biniyayaan ng isang anak, si Athena, noong 2017. Sa kasalukuyan, nananatiling bukas si Rufa na ayusin ang kanilang relasyon, ngunit igagalang niya ang anumang magiging desisyon ng kaniyang asawa.
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That’s Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si ‘Booba’ sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si ‘Boobita Rose’ sa Masikip sa Dibdib.
Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.
Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
News
The REAL STORY Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Condition Revealed by Doctor Doc Alvin! 😱 What You Need to Know!
The TRUTH Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Death: Doctor Doc Alvin’s Analysis Reveals What Happened The Philippine entertainment industry has…
🔥ATONG ANG BINAWI ANG 10M BAGONG SASAKYAN KAY SUNSHINE CRUZ! MATAPOS ANG 2 MONTHS IN-RELATIONSHIP! 🔴
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly taken back a luxury car worth 10 million pesos…
Sunshine Cruz Reveals Shocking Truth: Reconciliation with Cesar Montano Filled the ‘Missing Piece’ in Their Daughters’ Hearts!
Sunshine Cruz says reconciliation with Cesar Montano completed ‘lacking piece’ in their daughters’ hearts Sunshine Cruz opened up about her…
‘Nakakabastos po’: Pamangkin ni Vice Ganda, umalma sa pahayag ng isang netizen
Nabastos si Camille Viceral, pamangkin ni Unkabogable Star Vice Ganda, matapos sabihin ng isang netizen na “tito niya” ang…
Julia Montes Naiyak Di Inaasahan Na Magagawa Ito Ni Coco Martin Sa Kanya
Si Julia Montes ay labis na napaiyak sa kasiyahang nadama nang bigyan siya ng sorpresa ni Coco Martin. Kamakailan lamang,…
Ogie Diaz REVEALS the Alleged New BF of Kathryn Bernardo in Latest Showbiz Update!
Kathryn Bernardo, ‘taken’ na raw ayon sa source ni Ogie Diaz May bagong tsismis na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng…
End of content
No more pages to load