Bukod sa inaabangang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa isang grandest and most star-studded underwear fashion show on March 21 sa SM MOA Arena ay hopia rin ang KathDen fans na muling magsama ang dalawa sa ABS-CBN Ball 2025 sa darating na April 4.



Nagdiwang nga agad ang mga faney sa ‘save the date’ announcement na ang tinutukoy ay magkakaroon nga this year ng inaabangang pinakamalaking event na pagsasamahan ng Kapamilya stars sa susunod na buwan.

Mas napaaga nga this year ang Kapamilya event kasi usually during the last quarter of the year ito ginaganap. Bakit nga kaya inagahan ngayong 2025?

Anyway, kahit wala pang masyadong detalye ang nilabas, maraming netizens na tambay sa X ang sini-ship na dapat ay si Alden ang maging escort ni Kathryn sa nasabing event.

Tutal ang KathDen naman daw ang bida sa pinaka-blockbuster movie ng ABS-CBN Film Productions sa history ng Philippine cinema, ang ‘Hello, Love, Again’.

Dapat lang daw na bigyan ng pinakamataas na pagkilala sina Kath at Tisoy sa nasabing ball.

Deserve nga raw ito ng KathDen!

Pero teka, teka muna! For sure present din sa nasabing Kapamilya artists grand reunion event si Daniel Padilla, na bida sa nangungunang action-packed series ng ABS-CBN Studios, ang ‘Incognito’. Ang tanong magkikita-kita kaya ang tatlo sa nasabing event?