Kathryn Bernardo: “Don’t use your pain as a reason to hurt others.”
Marami ang humanga at nagbigay-pansin sa matalinhagang payo ng aktres na si Kathryn Bernardo tungkol sa pag-ibig, na ibinahagi niya sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda.

Source: Instagram
Tinanong si Kathryn ni Tito Boy kung ano ang maipapayo niya sa magiging anak niya ukol sa pag-ibig. Tugon ni Kathryn, “Just because you’re in pain, you’re hurting, it doesn’t mean na you have to do the same.”
Dagdag pa niya, “Kindness, you can never go wrong with kindness. If something bad happens, or kung may mangyayari sa ‘yo, I’ll let you experience it because I can’t protect you from it. Pero ang mako-control ko lang ay kung paano mo iha-handle ang sarili mo kapag nasasaktan ka.”
Binigyang-diin ng aktres ang halaga ng pagpapakatao at pananatili sa mabuting asal kahit sa gitna ng sakit. “Basta alam mo ‘yung values mo, alam mo wala kang naapakan na ibang tao, then you shouldn’t be afraid of anything kasi lahat kakayanin mo. ‘Yun ‘yung ginawa ko sa sarili ko.”
Napag-usapan din sa panayam ang karanasan ni Kathryn sa pagpapatawad, lalo na sa konteksto ng kanyang 11 taong relasyon kay Daniel Padilla.
Inamin ni Kathryn na naglaan siya ng oras para harapin ang sarili niyang nararamdaman.
Ang mga pahayag ni Kathryn ay muling binalikan ng netizens matapos lumabas ang panayam noong Oktubre, noong showing ang pelikula nila ni Alden Richards. Marami ang pumuri sa aktres dahil sa kanyang matapang na pananaw at malalim na pag-intindi sa mga aspeto ng pag-ibig at pagpapatawad.
Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng “It Might Be You”. Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang “KathNiel.”
Patuloy sa pagbasag ng mga rekord ang “Hello, Love Again” dahil sa napakalaking tagumpay ng pelikula. Una, nalampasan nito ang “Rewind” bilang pinakamalaking kinita ng isang pelikulang Pilipino sa kasaysayan. Ngayon, ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot sa mahigit P1 bilyon ang kabuuang kita.
Samantala, nagbahagi si Alden Richards ng ilang nakakakilig na litrato kasama si Kathryn Bernardo habang sila ay nasa Calgary, Canada. Sa parehong post, nag-iwan siya ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikulang “Hello, Love, Again.”
News
🔥ATONG ANG BINAWI ANG 10M BAGONG SASAKYAN KAY SUNSHINE CRUZ! MATAPOS ANG 2 MONTHS IN-RELATIONSHIP! 🔴
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly taken back a luxury car worth 10 million pesos…
Sunshine Cruz Reveals Shocking Truth: Reconciliation with Cesar Montano Filled the ‘Missing Piece’ in Their Daughters’ Hearts!
Sunshine Cruz says reconciliation with Cesar Montano completed ‘lacking piece’ in their daughters’ hearts Sunshine Cruz opened up about her…
‘Nakakabastos po’: Pamangkin ni Vice Ganda, umalma sa pahayag ng isang netizen
Nabastos si Camille Viceral, pamangkin ni Unkabogable Star Vice Ganda, matapos sabihin ng isang netizen na “tito niya” ang…
Julia Montes Naiyak Di Inaasahan Na Magagawa Ito Ni Coco Martin Sa Kanya
Si Julia Montes ay labis na napaiyak sa kasiyahang nadama nang bigyan siya ng sorpresa ni Coco Martin. Kamakailan lamang,…
Ogie Diaz REVEALS the Alleged New BF of Kathryn Bernardo in Latest Showbiz Update!
Kathryn Bernardo, ‘taken’ na raw ayon sa source ni Ogie Diaz May bagong tsismis na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng…
SHOCKING : Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo
An unimpeachable source confirms that Lucena Mayor Mark Alcala (left) is also courting Kapamilya star Kathryn Bernardo (right). PHOTO/S: @markalcala10…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply