Ate ni Kathryn Bernardo naglabas ng cryptic post, para ba kay Daniel Padilla?
INIINTRIGA ng maraming netizens ang recent cryptic post ng kapatid ni Kathryn Bernardo na si Kaye.
Sa pamamagitan ng Facebook reel, ibinandera ng kapatid ni Kath ang isang video na may text na: “We know what you did last summer.”
Kalakip niyan ang background music na “Say My Name” ng Destiny’s Child at mababasa pa ang lyrics na ito sa gitna ng video:
“Could it be that you are at the crib with another lady?
If you took it there, first of all let me say
I am not the one to sit around, and be played
So prove yourself to me that I’m the girl that you cravin’
Why don’t you say the things that you said to me yesterday?”
May caption rin ang post na ang nakasaad: “2017, 2018, 2019, 2021, 2023…and the very first one that I know (2014).
Walang tinukoy o binanggit na pangalan si Kaye sa kanyang post, pero tila hinulaan ng maraming fans kung sino nga ba ang pinatatamaan nito.
Marami sa kanila ang naghayag ng pagkadismaya sa aktor na si Daniel Padilla, at pagkagigil sa mga babaeng na-involve umano bilang third party na naging dahilan ng hiwalayan ng KathNiel.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Hindi magsasalita si Kathryn pero ang ate magsasalita. Lagot ka talaga sa ate kapag pinaiyak mo kapatid niyan.”
“Sana may mag-spill sino-sino ‘yung mga higad na involved!!! Grabe ang kakapal pumatol kay DJ eh alam ng buong mundo may jowa!”
“Dapat isiwalat lahat ng ginawa niya. Dami pa ring bulag-bulagan.”
“Ilapag po sana lahat with matching evidence kasi marami pa ring bulag na fans. Pabagsakin mga career ng mga ‘yan.”
“Sakit naman ng ginawa mo Deej…though na-sense ko na before na hindi malabo na mangyari ito, pero hindi ko lubos maisip na ganyan pala kalala.”
Ang makahulugang post ni Kaye ay ipinost isang araw mula nang i-unfollow ni Kathryn si Daniel, pati na rin ang ilang co-celebrities kagaya nina Liza Soberano, Julia Barretto at Gillian Vicencio.
Kung maaalala, ilang araw matapos ang official breakup ng Kathniel ay agad na ibinandera ng kapatid ni Kathryn ang isang patamang post.
Wala ring binanggit na pangalan si Kaye, pero ang pakiramdam ng fans ay para ito kay Daniel.
Ito’y may kaugnayan sa isyu ng karma na hango sa lyrics ng kanta ng American singer na si Taylor Swift na may title na “Karma.
Super react din diyan siyempre ang netizens at agad itong ikinonek sa breakup nina Kathryn at Daniel na umano’y may kinalaman sa “cheating.”
News
🔥ATONG ANG BINAWI ANG 10M BAGONG SASAKYAN KAY SUNSHINE CRUZ! MATAPOS ANG 2 MONTHS IN-RELATIONSHIP! 🔴
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly taken back a luxury car worth 10 million pesos…
Sunshine Cruz Reveals Shocking Truth: Reconciliation with Cesar Montano Filled the ‘Missing Piece’ in Their Daughters’ Hearts!
Sunshine Cruz says reconciliation with Cesar Montano completed ‘lacking piece’ in their daughters’ hearts Sunshine Cruz opened up about her…
‘Nakakabastos po’: Pamangkin ni Vice Ganda, umalma sa pahayag ng isang netizen
Nabastos si Camille Viceral, pamangkin ni Unkabogable Star Vice Ganda, matapos sabihin ng isang netizen na “tito niya” ang…
Julia Montes Naiyak Di Inaasahan Na Magagawa Ito Ni Coco Martin Sa Kanya
Si Julia Montes ay labis na napaiyak sa kasiyahang nadama nang bigyan siya ng sorpresa ni Coco Martin. Kamakailan lamang,…
Ogie Diaz REVEALS the Alleged New BF of Kathryn Bernardo in Latest Showbiz Update!
Kathryn Bernardo, ‘taken’ na raw ayon sa source ni Ogie Diaz May bagong tsismis na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng…
SHOCKING : Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo
An unimpeachable source confirms that Lucena Mayor Mark Alcala (left) is also courting Kapamilya star Kathryn Bernardo (right). PHOTO/S: @markalcala10…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply