Netizens are comparing two box office queens Julia Barretto and Kathryn Bernardo, the results are shocking (TR)

Julia Barretto tinalbugan na si Kathryn Bernardo

Naungusan na raw ni Julia Barretto si Kathryn Bernardo sa box-office dahil sa 20.5 million pesos first day gross ng pelikula niyang ‘Un/Happy For You’ with Joshua Garcia.Nakakaloka ang ibang netizens ha, pilit nilang ikinukumpara ang box-office result sa opening day ng JoshLia reunion movie sa ‘A Very Good Girl’ ni Kathryn, ‘noh?!

Itinuturing kasi na ang huling pelikula raw ni Kathryn ang highest grossing non-MMFF film ng ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema). More than 10 million pesos ang first day gross ng ‘AVGG’ nang ipalabas ito noong September 27 last year.

At bago mag-MMFF 2023, ang pelikulang ito na pinagsamahan nina Kath at Dolly de Leon ang itinuring na biggest Filipino film of 2023. Nakabog nga lang sila ng ‘Rewind’ nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong filmfest.

Komento ng netizens sa X, pinatalsik na raw ni Julia si Kath sa puwesto nito dahil higit sa kalahati ang lamang ng kinita ng pelikula nila ni Joshua Garcia compared sa huling movie ni Kath.

Hindi tuloy maiwasan ng fans ni Julia at netizens na mag-ingay sa socmed dahil sa lakas sa takilya ng ‘Un/Happy For You’.

Bukod kasi sa Viva Films, ang Star Cinema rin kasi ang nag-produce ng JoshLia movie, na producer din ng ‘AVGG’ ni Kath. Eh parehong si Petersen Vargas ang director ng dalawang pelikula.

Pero hindi magpapakabog ang solid fans ni Kath, nakahanda silang ipagtanggol ang idolo sa mga intrigerang netizens, “People watched ‘A Very Good Girl’ because of Kathryn and her new solo era. Hindi siya kasing lakas ng ibang movie ni Kath dahil iba ang tema nito, R-13 at walang romantic plot. While sa JoshLia film, PG ang rating, nakuha rin ng movie ‘yung mga hugutera na audience, may romantic plot at big advantage na naging mag-ex sila.”

“Walang comparison ‘yung movies nina Kath at Julia! Pareho lang ng production at direktor, pero magkaiba sila ng tema! Maraming flop na movies si Julia bago ang ‘Un/Happy For You’!”

“Sa bashers ni Kath, hintayin ninyo ang ‘Hello, Love, Again’ na showing sa November 13 saka kayo magtatalak ng ganyan.”

Naka-more than 100M ang huling pelikula ni Kath last year, kaya ang tanong — maabot o malampasan kaya ito ng JoshLia reunion movie? Abangan!

Related Posts

Our Privacy policy

https://hotnewsnowus.com - © 2024 News